Kabanata 33:

135 4 0
                                        

"Totoo po ba ang narinig ko? Hindi mo po ako kapatid Kuya?" tanong ko.

"Avi, Nagkakamali ka lang ng rinig----"

Umiling ako saka sumigaw. "Hindi po ako bingi. You said that I'm not Mommy's daughter and she said that I'm not your sister,"

Tinignan ko si Mommy pero wala akong makitang pagiging guilty sa kanya.

"Anak, Pakinggan mo muna kami-----"

"No! Just please tell me the fucking truth! I want to know everything.... I-I don't want to be a clueless anymore,"

Nilingon ni Kuya Aidon si Daddy saka inilingan.

"Ampon lang po ba ako?" tanong ko uli. "Sino ang magulang ko po?"

Umiling sakin si Daddy. Kukulitin ko sana siya pero nagsalita na si Daddy.

"I'm your Dad Avi... Pero hindi siya ang Mommy mo," panimula ni Daddy.

Nilingon ko si Mommy at Ate Monica pero nakataas lang ang Kilay ni Mommy sakin habang si Ate Monica ay nakangisi.

"K-Kung ganon, Sino po ang Mommy ko? Nasan siya? Do you had an affair to the other woman Dad?"

"No... Anak kita sa unang asawa ko. Yung Mommy mo. S-She's dead. N-Namatay siya nung pinanganak ka niya," umiiyak na wika ni Daddy.

Napaatras naman ako sa sinabi niya na agad akong hinawakan ni Kuya Aidon.

"I don't understand... If I am your daughter with your first wife then Why I became your youngest daughter?" naguguluhan kong tanong.

"Tama na po Dad. She doesn't need to know everything... Madami ng nangyari sa kanya mula kahapon lets give her a break," singgit ni Kuya Aidon.

Umiling ako. "No. I want to know more... I want to understand everything Kuya,"

Pumikit saglit si Daddy bago ako tinitigan sa mga mata. Mahahalata mo sa kanyang ayaw niya na sanang sabihin pero napipilitan siya sakin.

"H-Hindi ako mabigyan ng anak ng Mommy mo nung una... I want to be a father that's why I met Monique. I had an affair with Monique at nabigyan niya ako ng anak. Yun ay sila Kuya Aidon at Ate Monica mo pero si..."

Pinunasan niya ang mata niya saka hirap na tumingin sakin.

"Si Mommy mo, Kahit ganon pinaglaban niya ako. Tinanggap niya ako pati ang anak ko kaya nabuo ka... You became our miracle. S-Sabi ng Mommy mo ikaw ang magiging pundasyon namin para maging okay kami kaso nung pinanganak ka niya ay nawala naman siya," hagulgol ni Daddy.

"W-Why didn't you tell me? Why do you have to keep it secrets?" tanong ko.

"Dahil ayokong isipin mong iba ka. Na hindi ka anak ng Mommy mo. Ang bago kong asawa,"

Kaya pala kahit anong gawin ko hindi nagiging proud sakin si Mommy kasi hindi niya ako anak.

"Ganon padin naman Dad e... Araw-araw iniisip ko bakit hindi ako mahal ni Mommy. Bakit iba ang trato niya sakin," hagulgol ko.

"I just did what I know what's the best for you Avianna,"

Umiling ako sa kanya. "You just did what's the best for you Dad. D-Dahil alam mong hindi gugustuhin ng bago mong asawa na may iba kang binabanggit na pangalan kapag ako ang kausap mo,"

"That's not true Avi,"

"Ang damot mo Dad e... A-Ang damot-damot mo. Pinagkait mo sakin yung katotohanan. Pinagkait mo sakin kung sino ang Mommy ko.    Pinagkait mo sakin ang lahat ng karapatan ko para lang magkaron ka ng buong pamilya!"

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon