Kabanata 30:

127 3 0
                                        

Kinabukasan,

Maaga akong nagising kaya nakasabay pa akong mag-agahan kela Daddy.

"Susunduin kaba ni Elijah?" tanong ni Daddy.

Tumango naman ako saka ngumiti sa kanya habang kumakain.

"He's not busy?" ani Kuya Aidon.

Kibit-balikat ako sa tanong niya. "He's always find time for me Kuya Aidon. Ayaw niya din kasing hindi po ako nahahatid-sundo,"

"That's good! Akala ko sa una lang magaling yan e," wika ni Daddy.

Tumawa naman ako kay Daddy saka pinunasan ang labi. "Hindi naman ganyan si Elijah Dad,"

Paglingon ko ay nakita ko si Elijah na kasama ang isa sa katulong namin.

"Good morning po Tito. Tita," bati niya.

"Goodmorning din Iho," wika ni Daddy.

Inaantay kong lumapit si Elijah sakin saka halikan ako sa pisngi pero seryoso lang siyang nakatingin sakin. Kadalasan kasi kahit nandyan ang parents ko or si Kuya ay hahalik padin sakin yan.

"Alis na po kami Dad. Baka late akong makauwi kasi magkikita-kita po kaming mga kaibigan namin," paalam ko.

Tumango naman si Daddy kaya hinalikan ko na sila ni Kuya Aido. Lalapitan ko na sana si Mommy pero bigla naman itong tumayo at tinalikuran ako.

Hindi nalang ako kumibo saka sumunod kay Elijah palabas ng bahay namin. Hindi padin kumikibo si Elijah kahit nasa byahe na kami.

"Babe, Why are you silent?" tanong ko.

Umiling siya sakin habang nagmamaneho. Hinawakan ko naman ang braso niya na nakahawak sa kambyo ng sasakyan.

"Hindi mo talaga ako kakausapin? Elijah naman. What's wrong?"

Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng shop namin pero hindi pa din ako bumaba. Gusto ko sanang pag-usapan kung anong dahilan ng pagiging silent treatment niya sakin.

"Hey, I'm asking you what's wrong?!" naiinis kong wika.

Tinignan niya ako ng masama saka inirapan. Napailing nalang sa kanya.

Bumuntong-hininga nalang ako saka padabog na binuksan ang sasakyan niya. Kung ayaw niya akong kausapin edi wag.

"Goodmorning Via," bati nila Tati pagkapasok ko palang.

Ngumiti lang ako sa kanila saka binuksan ang pc ko. Nawala ako sa mood.

"Himala, Hindi pumasok si Elijah dito?" ani Tati.

Nagkibit-balikat ako sa kanila. "Hindi ko alam anong topak 'non. He didn't talk to me,"

"Ayy... Kanina pa nga parang bad mood yung kakambal ko," singgit ni Noe.

Hindi nalang ako kumibo sa sinabi niya sakto namang may dumating na client na nakaschedule samin.

Simula kasi nung lumakas ang kita namin ay puro schedule ang ginagawa namin. Minsan nakukuha din kaming photographer ng mga modelo.

Buong maghapon ay naging busy kami kaya hindi ko na naharap yung cellphone ko. Maya-maya naman dumating na yung tatlong lalaki.

Nakatingin lang sakin si Elijah pagkarating niya pero hindi ko siya pinansin.

"Wait lang ha? May tinatapos lang akong i-edit," ani ko.

Ngumiti naman si Aziel. "No worries Via,"

Hinarap ko na uli yung pc ko saka hinayaan silang magkwentuhan.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon