Kabanata 53:

51 1 2
                                    

Nagising nalang ako na nakahiga na ako sa ospital bed at may benda na ang ulo ko.

Tinignan ko ang lalaking nakayuko habang hawak ang kamay ko.

"Via?"

Napalingon ako sa tumawag sakin at doon ko nakita si Noe na nakatayo sa kabilang gilid ng kama ko.

Naramdaman ko naman ang pag-angat ng ulo ng nakahawak sakin at doon ko lang napansin na si Elijah ang nakahawak sakin. Lahat sila nandito pati ang mga kaibigan kong sila Chad.

"Anong nararamdaman mo Shein?" nag-aalalang tanong ni Ayi sakin.

"I'm fine... Anong nangyare?" tanong ko.

Kumunot ang noo ni Elijah sa sinabi ko. "You didn't know what happened? Did you sleep while driving your car?"

Umiling ako sa kanila. "The last time I remembered is may babangga saking truck,"

"Sinusundan ka namin nung umalis ka tapos kahit naka-red light na ay pinagpatuloy mo padin ang pagpapaandar ng sasakyan mo kaya ka nabanga," paliwanag ni Ayi.

Ginalaw ko ang sarili ko at pilit na bumangon ng bigla akong napakunot ang noo ko ng hindi ko maramdaman ang mga binti ko.

"Shein, What happened? What's wrong?" tanong ni Chad.

Pumatak ang luha ko saka tumingin sa kanila at umiling-iling. "I can't move my legs... What happened? Hindi na ba ako makakapaglakad?"

Nagkatinginan naman sila. Hinampas-hampas ko naman ang mga binti ko.

"C-Chad, Hindi na ba ako makakapaglakad? Please, Ayoko.... Makakapaglakad pa ako diba? Magmomodelo pa ako?" hagulgol ko.

Hinawakan ni Elijah ang dalawang kamay ko at yinakap ako ng mahigpit.

"Shh.... Tatawag tayo ng Doctor. Aalamin natin kung anong nangyare," ani Elijah.

Hindi ako pwedeng maging ganito. Ayokong maging walang silbi. Pagpasok ng Doctor ay kasabay ng pagpasok ni Daddy at Kuya Aidon kasama si Mommy pati narin ang manager ko.

"Doc, What happened po? Bakit hindi raw magalaw ni Shein ang mga binti niya?" tanong ni Chad.

Ngumiti ng tipid ang Doctor. "You don't have to worry... That's normal since malakas ang pagkakabanga mo kaya hindi mo maramdaman ang mga binti mo pero after a day or two ay mararamdaman mo din yan,"

"Does that mean, I can still walk right?" tanong ko.

Tumango naman ang Doctor kaya mas gumaan ang pakiramdam ko. Tinulungan naman ako ni Elijah makabangon ng kaonti para makasandal ako sa pillow na sinalang niya sa likod ko.

"Thank you," tipid kong wika.

Lumapit naman ang manager ko sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Jusko Shein. Papatayin mo ba ako sa nyerbos?! Halos atakihin ako sa puso ng makita ko sa balita na nabanga ng truck ang sinasakyan mo. What did you do Shein?! I always remind you to be careful!" panenermon ni Adrianna.

Hindi ko naman maiwasang matawa sa itsura niya pero sinamaan niya naman ako ng tingin.

"I'm fine Adrianna... I'm still alive oh? Ang lakas ko talaga kay Lord 'no?" Halakhak ko.

Agad naman akong kinaltukan ni Ayi na nasa gilid ko.

"Stop that! It's not a good joke! Paano kapag may nangyare sayo ha? Pano kung nawala ka samin?" sunod-sunod niyang wika ng bigla siyang napahikbi.

Hinaplos ko ang likuran niya saka nginitian ng tipid. "I'm sorry... I was so careless that time. I didn't think straight!"

Yinakap naman ako ni Ayi hangang sa naramdaman ko din ang mga braso ni Chad at Mizy.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon