Kabanata 12:

120 5 0
                                        

Kinabukasan,

Pagpasok ko sa kusina namin ay naabutan ko silang kumakain pero nang makita ako ni Ate Monica ay inirapan niya ako saka tumayo na.

"I lost my apetite! I'm sorry," mapakla niyang wika.

Kinagat ko naman yung ibabang labi ko ng binangga niya ako paalis ng dining area.

"Can you see that? She's your Ate but you didn't know how to respect her," wika ni Mommy.

"Enough Mom! Wag niyong simulan please..." singgit ni Kuya. "Hayaan niyo si Monica kaya lumalaking spoiled dahil sainyo eh,"

"How dare you! You don't have the rights to lecture me Aidon!" madiing wika ni Mommy.

Napayuko nalang ako habang kumakain. Bumubulong-bulong naman si Mommy ng umalis siya sa hapagkainan.

"Nakita mo kung anong nangyare Avianna," wika ni Dad.

Tumingin naman ako sa kanya pero tamging disappointment lang ang nakikita ko sa mata niya.

"You need to learn to prioritize your family Avianna!"

"Dad, Walang-----"

Hinawakan ko naman sa braso si Kuya Aidon ng hinampas ni Daddy ang table.

"Stop it Aidon! You are spoiler her!" madiing wika ni Daddy. Nilingon ako ni Daddy. "Kung umpisa palang hindi ka na pumayag na maging representative edi sama hindi kayo nag-aaway ni Monica,"

Bumuntong-hininga ako saka nilapag ang kutsara sa gilid. "Kahit wala naman po ang competition na ito Dad ay magkaaway na talaga kami ni Ate eh... I really can't reject the opportunity,"

Hindi ko nanaman siyang inantay na makapagsalita ay agad na akong umalis sa kusina at kinuha ang mga gamit ko.

Wala pa man ang mga kaibigan ko ay wala akong choice kundi mauna na sa kanila. Swerte ko nalang na may cab na agad na dumating.

Habang nasa byahe ako ay patuloy na tumutunog ang cellphone ko. Paulit ulit na tumatawag si Kuya Aidon sakin.

I reject his call many times already but he kept on calling me. I just don't want to talk to him.

Papatayin ko na sana uli ang cellphone ko ng pangalan ni Elijah ang lumabas sa screen ko.

[Where are you?] bungad ni Elijah sakin.

Kinagat ko yung ibabang labi ko saka tumingin sa labas ng bintana.

[I'm asking you Avianna Shein! Where the hell are you?] aniya. [Your Kuya told us that you already left,]

Inabot ko ang bayad ko sa driver bago lumabas ng taxi. "Nandito na ako sa school, Pumunta na kayo dito."

[Bakit ka nauna? May nangyari ba?]

Ngumiti lang ako sa mga schoolmate kong bumabati sakin. "Wala Elijah... Sige na, Ibaba ko na 'to. Antayin ko nalang kayo,"

Pinutol ko na ang tawag para hindi na siya makasagot sakin. Knowing him? He'll do everything just to know what's happening.

Dumiretso na ako sa room namin saka inantay sila sa pwesto namin. Nagsuot nalang ako ng earphones dahil naiirita lang ako sa sobrang ingay ng mga classmate ko.

"Hooooyyyyy!" sabay na wika ni Noe at Tati.

Inirapan ko sila saka tinanggal ang earphone ko.

"Ang ingay niyo. Naka-headset nako, Narinig ko pa kayo."

Humalakhak naman silang dalawa sakin.

"Sungit yarn?" natatawang wika ni Noe.

Inirapan ko lang siya kaya mas lalo naman silang napatawa. Mga baliw talaga itong mga kaibigan ko.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon