Kabanata 27:

126 5 0
                                        


Pagdating namin sa auditorium room ay madami naring estudyante at mga magulang.

Hindi ko naman maiwasang mainggit sa mga classmate ko  na kasama ang magulang nila at inaasikaso nila.

I hope Daddy is here too...

"Via?"

Nilingon ko naman ang mga kaibigan kong nakatingin sakin at mahahalata mo sa mata nila dahil nakatingin ako sa masayang family.

"I'm okay!" ani ko.

Binati naman ako ng mga magulang nila kaya ngumiti nalang ako sa kanila. Lumapit naman si Noe sakin at hinawakan ang kamay ko.

"I can talk to my Mom Via. So, She can be a proxy to your parents?" aniya.

Pinilit kong ngumiti sa kanya saka umiling. Alam ko namang walang problema kay Tita Elisse yun pero ayokong maging problema pa ng iba.

"Kuya Aidon is here Noe,"

Napalingon naman siya sa likuran ko at doon niya lang napansin si Kuya Aidon na nakatingin samin.

Inaantay nalang namin ang pagsimula ng ceremony namin ng biglang may tumawag sakin.

"Avianna?" Nilingon ko ang tumawag sakin at doon ko nakita si Patrick na may hawak na bulaklak.

"What are you doing here Patrick? Graduation niyo rin diba?" ani ko.

Tumango siya saka inabot ang bulaklak. "Sumaglit lang ako dito para iabot 'to sayo,"

Bumuntong-hininga ako saka tinanggap ang bulaklak. "Sana hindi ka na nag-abala pa,"

"Congratulations Avianna! Sana payagan mo na akong ligawan ka," nakangiti niyang wika.

Narinig ko naman ang boses ng parents nila Noe kaya napapikit ako saglit.

"Thank you and congratulations din... Kung ano ang sinabi ko sayo dati Patrick. Yun padin ang sagot ko," ani ko. "I'm sorry!"

Nalungkot naman si Patrick saka nagpaalam sakin. I know Patrick isn't a bad guy but what should I do? I can't like him. Not because of Ate Monica but because I like Elijah already.

Nagsimula narin naman ang graduation ceremony kaya hindi nanamin napag-usapan ni Elijah ang nangyare. Pinaghawak ko muna ang flowers kay Kuya Aidon.

"Ang ganda niyo po Ms. Avianna," ani ng katabi ko. Hindi ko siya kilala since hindi siya galing sa section namin.

"Thank you... You can call me by my name," nakangiti kong wika. "Btw, What's your name?"

"Napaka-bait niyo po talaga Ms. Avianna," aniya. "I'm chin from Bsad-04,"

Napatawa naman ako sa kanya. Kahit ano talaga sabihin ko lagi pading may Ms ang tawag nila sakin.

"Kayo pong magkakaibigan ang gaganda na po tapos ang bait niyo pa... Bagay nga kayo ni Elijah e," dagdag niya pa.

"Baka naman lumaki ang ulo ko sa papuri mo," halakhak ko.

Napalingon nalang kami sa harap ng sinabi na bigayan na raw ng diploma.

"Avianna Shein De Villaga," tawag ng emcee.

Naglakad naman ako paakyat ng stage saka tinanggap ang diploma ko. Tumingin ako sa mga tao sa harapan ko na nakangiti sakin.

Nilingon ko si Kuya Aidon na pumapalpak saka nag-thumbs up sakin.

"Ms. Avianna, Hindi ko po nakikita parents niyo?" ani Chin.

Kinagat ko naman ang ibabang labi ko. I don't know how to explained.

"Hmm... Ang Kuya Aidon ko ang nandito sakin. They attending my Ate's graduation too," ani ko.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon