Kabanata 19:

32 1 0
                                    


"Patrick?" gulat kong wika.

Nilingon ko naman si Elijah  na nasa likuran ko kasama mga kaibigan ko habang nakakunot ang noo.

"What brings you here?" dagdag kong tanong.

Tinaas niya naman ang kamay niyang may bitbit ng isang milktea. "Gusto ko lang ibigay sayo 'to?"

Kinagat ko naman yung ibabang labi ko. I don't know if I should accept it or not.

"Did Ate Monica knows that you are here?" Taas-kilay kong tanong.

"What for?" aniya. "I mean, She's not my girlfriend Avi. I don't need to report anything about where I am,"

Well, He has a point but he was her ex and its not good idea that he's here.

"We both know that my sister still loves you,"ani ko.

"We've done a long time ago... Your sister keeps on bothering me."

Bumuntong-hininga ako saka pinikit saglit ang mata ko.

"Via, Let's go!" singgit ni Elijah.

"Avi, Please just accept this and let me prove to you that I like you," ani Patrick.

Nilingon ko naman uli si Patrick. "You know what Patrick, You don't have to explain your relationship with my sister and you don't have to prove anything from me because it was useless,"

"But-----"

Humarang na si Elijah ng hahakbang siya papalapit sakin. Hinawakan ko naman si Elijah sa braso.

"It's better if you fix your relationship with my sister. She loves you! Wala kang mapapala sakin Patrick. Ngayon palang sinasabi ko na sayo na wala kang pag-asa sakin,"

Hinatak ko na si Elijah papunta sa room namin ng magsalita uli si Patrick.

"Is it because of your sister? Is it because I had a relationship with her? It's all in the past now."

Nilingon ko si Patrick. "That is one of the reason... But you don't have a chance a Patrick,"

Naglakad na kami papasok ng classroom namin at hindi na pinansin ang pagtawag niya sakin.

"Haba ng hair girl!" Hatak ng buhok ni Noe sa buhok ko habang sinamaan naman siya ng tingin ni Elijah.

"Oy, Baka maapakan mo yung buhok ni Avianna," halakhak ni Tati.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa saka umupo sa upuan ko. Naglaro naman yung tatlo ng mobile legend habang nag-aantay sa professor namin.

Isang oras na ang lumipas pero wala padin ang professor namin. Bigla namang tumunog ang speaker at nag-anunsyo na may meeting silang mga professor.

Sumama nalang kami kela Elijah dahil may practice game nanaman sila. Pagdating namin sa gymnasium ay nandon na ang ibang teamates na nag-aantay sa coach nila.

"Cap!" Sumaludo pa sila kela Elijah na tinanguan lang ni Elijah. Napansin ko naman ang pagtingin sakin nung lalaking nagbibigay ng alak sakin last time. If I'm not mistaken his lastname is Garcia.

Hindi ko nalang siya pinansin saka umupo sa tabi ni Elijah na kumukuha ng pamalit niyang damit.

"Magpalit lang kami ha? Dito lang kayo," paalam ni Elijah.

Tumango naman ako sa kanya saka binalik ang tingin sa pag-bobrowse ng facebook.

"Hi,"

Inangat ko ang tingin ko saka tinignan yung ka-team ni Elijah na nakangiti sa harapan ko.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon