Kabanata 31:

132 4 0
                                        

Dalawang linggo na ang nakalipas. Naging sobrang busy kami sa shop at ganon din ang tatlong lalaki naming kaibigan.

This day is my third month of being in a relationship with Elijah. We're planning to eat outside. A dinner date to be exact.

[Hindi ka ba talaga magpapasundo sakin Babe?] ani Elijah sa kabilang linya.

Nag-aayos ako habang kausap si Elijah sa cellphone. May meeting kasi sila kaya hindi niya ako masusundo kahit sinabi kong ayos lang ay sadyang makulit si Elijah.

"Babe, I told you already that it's okay. I know how to commute and mag-tataxi ako," ani ko.

[I'm just worried----"

Pinutol ko na siya sa sasabihin niya. "Mag-iingat ako Babe. I'll text you time to time, Okay? I love you,"

Bumuntong-hininga nama siya. [I love you too babe. Nandyan na ba ang cab?]

"Uhm... Yes. Osiya, Ibaba kona at mukhang magsisimula na kayo." I ended his call and get my sling bag.

Actually, Wala padin taxi na nakukuha sila Yaya kaya baka maglakad nalang ako at doon nalang mag-abang sa kanto ng subdivision namin.

Nagpaalam naman ako kela Daddy at humalik sa pisngi niya. Narinig ko naman ang masayang wika ni Ate Monica.

"Ingat ka Avianna,"

Weird. She never say that to me. Hangang maaari nga ayaw niya akong kinakausap e. Well, Baka nasa mood lang talaga si Ate Monica kaya ganon siya umakto.

Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko ay may nakatingin sakin pero paglingon ko ay wala namang tao sa likod ko.

Wag kang paranoid Via. Ang aga pa para sa naiisip mo.

Nag-antay nalang ako ng taxi ng biglang may nagtakip ng bimpo sa ilong at bibig ko. Pinipilit kong pumalag pero sobrang lakas ng pwersa ng may hawak sakin. Hangang bigla nalang akong nahilo at nawalan ng malay.

"Sleep well Avianna,"

Yan ang huling salitang narinig ko bago ako nawalan ng malay ng tuluyan.

Nagising nalang ako dahil sa ingay sa paligid ko. Napahawak pa ako sa ulo ko at unti-unting bumabangon sa pagkakahiga ko.

"Gago ka! Anong ginawa mo sa girlfriend ko ha!"

That's Elijah voice. What's happening?

Nilingon ko naman ang tao sa paligid ko at doon ko nakita ang buong pamilya ko at ang mga kaibigan ko habang si Elijah ay pilit na hinahawakan ni Aziel at Anwyll.

"Anong nangyare? Bakit nandito kayo?" naguguluhan kong wika.

"Via, We should the one asking that. Bakit nandito ka kasama siya?" Turo ni Tati sa katabi ko.

Nilingon ko naman si Patrick na nakasuot lang ng boxer. Nanlaki naman ang mata ko at nanlamig. Tinignan ko ang sarili ko na tanging nakabra lang at undies habang nakabalot sa kumot.

"Patrick, Why are you here? What happened?"

Hinawakan naman ako ni Patrick sa magkabilang braso. "Baby, You didn't remember? Nagkita tayo at hindi nanating napigilang sarili natin kaya umabot tayo sa ganito,"

Umiling-iling ako sa kanya habang bumabagsak ang mga luha ko.

"No. T-That's not true... You're lying! Hindi ako nakipagkita sayo. Never in my life," hagulgol ko.

Kinuha ko naman ang dress ko saka sinuot. Wala na akong pake kung makita ako nila Aziel na ganon ang suot. Lumapit ako kay Elijah saka hinawakan siya sa braso.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon