Kabanata 55:

201 2 0
                                        

Matamlay akong sumakay sa sasakyan ni Elijah, Agad naman pinaandar paalis ng ospital ang sasakyan niya.

Walang nagsasalita samin hangang sa makarating kami sa condo unit ko.

"Wag ka ng bumaba Elijah at wag ka naring babalik dito," matamlay kong wika saka bumaba ng sasakyan.

Bago pa ako makalapit sa elevator ay nahatak na ako ni Elijah.

"Wait Via! What do you mean?" naguguluhan niyang wika.

"I'm tired Elijah... Tired of everything. I'm so tired physically and emotionally. So, Please! Stop bothering me,"

Umiling siya sakin. "I'm courting you-----"

"And I didn't tell you to do that Elijah!" putol ko sa kanya. "Do you really think na maaayos pa natin ang lahat? Na mababalik pa natin ang nakaraan natin?"

"Hindi naman natin ibalik ang nakaraan e. We can build new memories," aniya.

Bumuntong-hininga ako saka sinamaan siya ng tingin. Hindi ko alam pero matalino si Elijah pero sadyang mahirap siyang spellingin.

"Hindi yun kadali Elijah. Why don't you understand?! Why don't you get it?! Hindi tayo naghulog ng piso sa sahig na pwedeng pulutin anytime... How can we get back together after all those years huh? P-Paano ko tatanggapin ang lalaking sumira sa buong buhay ko?" sigaw ko.

"M-Mahal padin kita Via... Sobrang mahal na mahal," naluluhang niyang wika.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Feeling ko nasasaktan akong makita siyang nasasaktan.

"K-Kung mahal mo ako... Kung totoo yang sinasabi mo dapat hindi mo ako sinayang three years ago. Ang hirap alisin at kalimutan ang trauma ma binigay niyong lahat sakin... Eversince, I was so afraid to lose those people around me. Tama na Elijah! Tigilan na natin 'to. Magkakasakitan lang tayong dalawa so, Please stop bothering me!"

Tumalikod na ako sa kanya saka pinindot ang elevator. Bigla naman siyang nagsalita kaya napatigil ako. Hinarangan naman nila Chad ang pintuan para wag magsara.

"You.... Y-You want me to gave you up? Then tell me Via, Tell it to my face that you don't love me anymore," aniya.

Pumikit ako ng madiin saka humarap sa kanya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya.

"I can't love you anymore Elijah. I don't love you anymore and I can't have a relationship with you," seryoso kong wika.

Para naman siyang pinagbagsakan ng lupa dahil napaatras siya kasabay non ang patuloy na pagluha niya.

Pumasok na ako sa elevator at hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya hangang sumarado ang elevator.

Wala namang nag-atim na basagin ang katahimikan namin. Dire-diretso ako sa kwarto ko at doon ko nilabas lahat ng luha ko.

Life is so cruel? I want to forgive them, I wanted to forget everything but how? How can I do that?

I can't love him knowing I'm not fully healed. Masasaktan ko lang siya.

Tinawagan ko si Adrianna na gusto ko ng bumalik ng hongkong bukas agad at kahit gusto niyang umalma ay wala na siyang magawa kundi bilhan kami ng ticket. Magpapaiwan nalang siya para ayusin muna ang mga natira kong commitments.

"Shein?"

Napalingon ako sa tatlo kong kaibigan ng pumasok sila. Kasalukuyan kasi akong nag-iimpake ng gamit ko.

"Nakaayos na ba kayo ng gamit niyo?" tanong ko.

Nagkatinginan naman silang tatlo kaya ngumiti nalang ako ng tipid.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon