Kabanata 4:

53 1 0
                                    

Sinimangutan naman ako ni Elijah pero hindi ko siya pinansin habang sila Tati at Noe ay nakatingin lang samin.

Humarap ako kela Anwyll at Aziel saka tinaasan sila nang kilay.

"What are you waiting for? Let him go!" wika ko. Lumingon pa sila kay Elijah pero binitawan rin naman nila yung lalaki.

"Pasensya na Ms. Avianna... H-Hindi ko po sinasadya na mahawakan kayo sa binti," paumanhin niya.

Ngumiti ako sa kanya pero bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na si Elijah dahilan kung bakit tumakbo yung lalaki.

"Umalis kana!! Kung ano-ano pa ang sinasabi mong de puta ka!" sigaw ni Elijah.

Hinawakan ko naman siya sa braso niya para pigilan sa paglakad.

"Tumigil kana Elijah!" ani ko. "Hindi ako natutuwa sa ginawa niyong tatlo!"

"What?! What did I do?" naguguluhang niyang wika.

Seriously? They didn't know what they did? Hindi ako makapaniwalang magagawa nilang mang-bully.

"What did you do? Binully niyo lang naman yung kawawang lalaking yun," inis kong wika.

"Binastos ka niya-----"

"Nahawakan niya ang legs ko dahil sayo?! Sainyo?! If you didn't pushed him, It will not happened?!" pagputol ko sa sinasabi niya.

Hindi naman sila kumibo sakin kaya dinugtungan ko naman ang sinasabi ko sa kanila.

"Kailan pa kayo natutong mang-bully ha? Alam niyong bawal na ang bully ngayon tapos  ginagawa niyo," dagdag ko.

Humalakhak namin si Tati sa kanila habang kinukuhanan nang video ang mukha nang tatlo.

"Yan mangbully pa kayo ha... Sa harap pa ni Via, Alam niyo naman yan. Sobrang anghel," wika ni Tati.

"Sorry na... Hindi na ulit mauulit Babe, I promised!" wika ni Elijah saka hinawakan ang kamay ko.

Inirapan ko siya saka tinanggal ang kamay niyang nakahawak sakin. Pumasok na ako sa loob nang room nang matanaw ko ang pagdating ng Professor namin.

"Babe!!" tawag ni Elijah sakin na nakasunod sa likuran ko.

Tumabi na rin sakin sila Tati at Noe na tinatawanan yung tatlong lalaki lalo na si Elijah.

"Ano twin brother? Mang-bubully ka pa ba?" pang-aasar ni Noe sa kapatid niya.

Sinamaan naman siya nang tingin ni Elijah na kinatawa nila. Umiling nalang ako sa kanila saktong pasok nang professor namin.

Lumingon-lingon naman sakin si Elijah pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin.

Nakakaasar kasi alam nilang hindi maganda ang pambubully pero ginawa padin nila.

Hangang matapos ang klase ay hindi ko sila pinansin kahit binunulungan ako ni Elijah.

Naglalakad na kami palabas nang hinawakan ako ni Elijah sa braso.

"Babe!" aniya. "I'm sorry na... Promise, I won't do that again,"

Bumuntong-hininga ako saka tumango sa kanya. "Okay na, Uwi na tayo."

"Bati na tayo ha?" aniya.

"Oonga, Kulit mo!" wika ko.

Naglalakad na kami papunta sa parking lot. Napalingon naman ako kay Elijah nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

Ngumiti naman siya sakin. Hindi ko naman naiwasang mailang dahil pinagbubulungan na kami ng mga estudyante.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon