"Elijah..." ani ko sa pagitan ng paghalik niya sakin."Damn, You make me crazy Babe. Binaliw mo ako nung panahong hindi mo ako pinapansin," aniya.
Pumikit ako ng madiin. What are you thinking Via? Hindi naghahalikan ang magkaibigan, Why did you let him kiss you?
"Gusto ko ng bumaba. Kung ayaw mong kumain, Iiwan kita rito."
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sakin habang humahalakhak ng mahina.
Nakahahiya. Gusto ko nalang sabunutan ang sarili ko dahil kahit hawak niya ako kung ayaw kong magpahalik sa kanya dapat nagawa kong pumalag.
"Ang tagal niyo naman?" nakasimangot na bungad ni Aziel.
Binatukan naman siya ni Tati. "How many times do I need to remind you that they need to talked?"
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko saka umupo sa hinatak ni Elijah na upuan para sakin.
"Nag-usap ba naman kayo Elijah?" pangungulit ni Noe.
Noe is Noe. She's been like that. Being tsismosa and makulit.
Nakangisi naman si Elijah saka humalakhak. "Nag-usap? Hmm... Sobra pa sa usap,"
"Woaaah...." sabay na wika ni Aziel at Anwyll.
Siniko ko naman si Elijah saka sinamaan ng tingin. Nginisian niya naman ako pero inirapan ko lang siya.
"Nag-usap lang kami. Wag niyong pansinin yang si Elijah," ani ko.
Humalakhak naman si Elijah saka nilagay ang kamay sa baywang ko at hinaplos ang baywang ko.
"Bakit ba ayaw mong malaman na nahalikan kita?" pang-iinis niyang bulong.
"Stop it! Kung hindi uuwi nalang ako," ani ko.
Tinaas niya naman ang dalawa niyang kamay bago nagsimulang kumain. Masaya naman ang mga kaibigan ko na ayos na kami ni Elijah.
Pagkatapos naming kumain ay nag-stay nalang kami sa sala nila at nagkwentuhan habang umiinom ng beer kasama ang Daddy at Mommy nila Elijah.
Habang nakaupo ako ay naramdaman ko naman ang pag-upo ni Elijah sa likod ko bale nasa pagitan na ako ng mga binti niya.
Tinignan ko naman siya ng masama dahil tinitignan nakami ng mga kaibigan namin at parents niya.
"What are you doing?" ani ko.
"Sitting? Isn't obvious Babe?" ngisi niya.
Inirapan ko naman siya saka ngumiti nalang sa mga parents ni Elijah na nakamgiti samin.
"Oh, Fuck bro! You are back of being teritorial huh?" pang-aasar ni Anwyll.
Sinamaan ko naman ng tingin si Anwyll. "Oh, Shut up Anwyll!"
Nagtawanan naman silang lahat kaya napahirap nalang ako saka tinunga ang can beer na hawak ko.
"Easy Babe," ngisi ni Elijah sa tainga ko.
Nakaramdam naman ako ng kiliti sa paraan ng pagbulong niya pero binalewala ko nalang.
"Matutuwa talaga ako kapag ikaw ang naging girlfriend ng anak ko Via," singgit ni Tita Elisse.
"No Tita------"
"Don't worry Mommy, She'll be my girlfriend. I promise you that!" putol ni Elijah.
Bumuntong-hininga nalang ako. Kung dati si Elijah ay puro pasaring lang, Ngayon parang nagkaroon na siya ng lakas ng loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/303967365-288-k620088.jpg)
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
Ficción GeneralIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...