Kabanata 45:

41 1 0
                                    

Katulad ng sinabi ko ayaw ko na sana silang makausap pa. Lahat silang parte ng nakaraan ko pero nandito ako sa park kasama si Patrick.

Pumayag ako sa pakiusap niyang pakikipag-usap.

"What do you want Patrick?" malamig kong tanong.

Bumuntong-hininga naman si Patrick. "Kumusta ka na?"

Napairap ako sa tanong niya sakin. Don't tell me sasayangin niya ang oras ko para sa kamustahan?

"Hindi ako nagpunta dito para makipagkamustahan Patrick. You told me that you want talk right? Then talk!" madiin kong wika.

Kung ako tatanungin masasabi kong malaki ang pinagbago sa pangangatawan ni Patrick. Hindi mo talaga siya mamumukhaan.

"I'm sorry Avianna," aniya. "I'm sorry for what I did three years ago,"

Umiwas naman ako ng tingin. It's been three years already and now he's telling he's sorry?

"I loved you! That's why I did that... A-Akala ko kapag nakita tayo sa ganong sitwasyon ni Elijah ay magagawa mo akong mahalin. Na makukuha kita pero hindi pala... Tama ka e, Sinira lang kita kaya sorry..."

Kinagat ko yung ibabang labi ko para mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko hahayaang makita niya akong umiiyak.

Tumayo ako para sana umalis na dahil ayoko ng marinig pa ang sasabihin niya. Ang mga kasinungalingan niya.

"Avianna please.... Let me explain!" pagmamakaawa niya.

Pero tinulak ko siya palayo saka binigyan ng malakas na sampal. "Sinira lang? Hindi mo lang ako sinira Patrick. Winasak mo ako! Ginawa mong impyerno ang buhay ko! Now, Your telling me that you are sorry? Well, The damage has fucking done!"

Napayuko naman siya sa sinabi ko. Agad kong pinunasan ang luhang pumapatak sa mga mata ko. Napakadali sa kanyang humingi ng sorry kahit alam niyang siya ang puno't dulo ng lahat ng ito.

"Y-Yan ang hirap sainyong mga lalaki, Kapag nakasakit kayo ng babae. Akala niyo isang sorry niyo lang, Ayos na e. Akala niyo kapag humingi kayo ng tawad mabubuo yung binasag niyo... Tao ang babae. Tao kami at may nararamdaman din, Nasasaktan kami!" sigaw ko.

Alam kong tapos na ang lahat. Kahit sumbatan ko siya, Walang mangyayari kasi lumipas na ang ilang taon.

"I know it's too late... I'm just stupid for not realizing that you won't like nor love me even I did that. Nabulag lang ako sa offer ng Ate mo... She texted me! Akala ko dahil nanaman samin yun pero nung nabasa ko ang name mo at sinabi niyang tutulungan niya akong makuha ka ay nagpadala ako sa plano niya," paliwanag niya.

What did he say? Did he mention my Ate?

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong sinabi mo? Why are you mentioning my sister's name?"

"Plinano niya ang lahat... Sabi niya tatawagan niya raw ako kapag nasa hotel ka na tapos palalabasin namin na may nangyari satin at saka niya papapuntahin ang mga kaibigan mo at pamilya mo," aniya.

Pumatak nanaman ang mga luhang pinigilan ko. I know Ate hate me so much but I didn't expect that he can do this to me.

"At pumayag ka? Do you really think Patrick that I'll love you after that? Hindi ako ganon kababaw para magmahal ng isang lalaking sinira ako!"

"Alam ko. Pero desperado ako noon na makuha ka kasi ganon kita kamahal Avi!"

Umiling-iling ako sa kanya. "H-Hindi mo ako mahal Patrick. Mahal mo yang sarili mo! Yang ego mo! Hindi mo matanggap na hindi lahat ng babae ay mababaliw sayo kaya ginawa mo yun. Desperado? Maybe, Oo! Pero selfish ka. Yang sinasabi mong pagmamahal sakin ay ka-selfishan kasi kung mahal mo ako hindi mo hahayaang mangyari sakin yun! You took everything away from me Patrick..."

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon