Kabanata 28:

32 1 0
                                    


Nandito na kami sa labas ng auditorium na nag-aantay sa tatlong lalaki naming kaibigan.

"Sobrang ganda ng speech mo Via," masayang wika ni Noe.

Ngumiti ako sa kanila. "Mamimiss ko itong university natin,"

Niyapos naman ni Tati ang braso ko saka nagsalita. "Ako din. I'm gonna miss this university too,"

"Nga pala, Wala padin ba si Tito? Diba sabi niya susunod siya rito?" singgit ni Noe.

Nagkibit-balikat ako. Kahit sabihin kong ayokong mag-expect pero syempre hinihiling ko din na sana ay sumunod nga siya.

Napalingon ako kay Kuya Aidon ng tawagin niya ako sa pangalan. "Tumawag si Daddy,"

"And?"

Tinignan ako ni Kuya Aidon sa mga mata bago siya nagsalita. "He can't make it Avi... Monica's friend is in our house,"

Kinagat ko yung ibabang labi ko para mapigilan ang luha ko.

"Avianna...." ani Kuya Aidon.

Umiling ako sa kanya saka tipid na ngumiti. "Okay lang Kuya... Naiintindihan ko naman,"

"Naiintindihan my ass..." mapaklang bulong ni Tati. Ni hindi ko nga alam kung bulong ba talaga yun e.

Tumalikod nalang ako kay Kuya para antayin sila Elijah. Sakto rin namang bumagsak ang luha kong pilit kong pinipigilan.

"Via...."

Umiling ako sa kanila saka pinunasan ang luha ko. Ayoko ng awa nila. Ayoko kasi ayoko ding kaawaan ang sarili ko.

"I'm fine Noe..." ani ko. Ngumiti ako ng saka tinignan sila ni Tati. "Sasagutin ko na si Elijah,"

"Talaga?" Sabay nilang wika.

Tumango ako. "I'm not sure If I can say that I love him but one thing for sure is I like him and I don't want to lose him. He makes me happy. He makes me comfortable with everything,"

Bigla namang yumakap sakin ang mga dalawa sakin kaya hindi ko maiwasang matawa. Atleast silang mga kaibigan ko nagagawang mapagaan ang nararamdaman ko.

"Anong meron at may pa-group hug kayo?" wika ni Aziel.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Noe. "San ba kayo galing? Siguro nambabae nanaman kayo 'no?"

Napailing nalang ako sa sinabi ni Noe. Agad namang nagsalita si Elijah sa kakambal.

"Oy... Hindi ako kasama diyan ah? Loyal 'to," ani Elijah saka naglakad palapit sakin at inabot ang bulaklak na hawak.

"Gago! Iniwan tayo sa ere," inis na wika ni Aziel.

"Congratulations Elijah!" nakangiti kong wika.

Hinawakan niya naman ang kamay ko saka nilapit sa labi niya.

"Gusto sana kitang ayain sa bahay kaso alam ko may celebration din kayo e," aniya.

Nilingon ko si Kuya Aidon na nakatingin lang samin mula kanina. Ngumiti naman siya sakin saka tumango.

"May gusto akong sabihin sayo Elijah," ani ko.

Tumaas naman ang kilay ni Elijah kaya nilingon ko saglit sila Tati. Nakangiti lang sila sakin at nasa likod nadin nila ang parents nila.

Kinagat ko yung ibabang labi ko bago tinitigan sa mga mata si Elijah.

"You've been a nice person... Well, You are possessive and territorial but you are a perfect guy in every way. Elijah, I'm not sure if it's a good idea but...."

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon