This is it. Today, Everyone will know that Shein De Villaga is here in the philippines.
Hindi narin ako magugulat na malaman ng family ko na nandito na ako sa pilipinas at wala na rin akong paki kung malaman pa nila.
Yes, They're my family but ayokong makasama pa sila sa iisang bubong. Masyadong toxic sa buhay.
"Shein, Why aren't you smiling? What's your problem?" tanong ni Adrianna.
Tinignan ko naman siya sa salamin. Inaayusan na kasi ako ng make up artist at nasa likod ko naman ang manager ko.
"Adrianna, There's no reason to smile... Hindi porket hindi ako ngumingiti ay may problema na," ani ko.
Natawa naman ang nagaayos sakin kaya nginitian ko nalang din siya.
"Sorry na. I want this to be perfect... This is your first fashion show in the philippines----"
"I can do it Adrianna. Just trust me!" putol ko sa kanya.
Ganyan talaga si Adrianna kapag may event ako laging kinakabahan kahit alam niyang magagawa ko naman.
"Ma'am, Pikit niyo po ang mata niyo." Ani ng make up artist.
Sinunod ko naman siya. Naramdaman ko ang brush na ginagamit niya sa mata ko. Pagkatapos kong ayusan ay pinasuot narin sakin yung gown na irarampa ko.
"Eto ba ang gown na susuotin ko para mamayang after party?" tanong ko kay Adrianna habang inaayos ang pagkakasuot ng gown.
Ang gown ko kasing irarampa ay kulay nude na kitang-kita ang likod at cleavage at may malaking slit sa baba. Kung titignan sa malayo iisipin mong wala akong suot.
"Hindi. Iba ang gown na pinagawa ko para sa after party," ani Adrianna. "Mauna na ako sa labas ha? Galingan mo sa pagrampa,"
Tumango ako saka ngumiti sa kaniya. Kinuha ko naman ang cellphone ko para matawagan ang mga kaibigan ko.
"Hello Chad,"
[Yes Babe?] wika ni Chad sa kabilang linya.
"Nasan na kayo?"
Narinig ko pa ang boses nila Ayi at Mizy na halata mong naghaharutan.
[Nandito na kami malapit sa stage. We'll watch you babe...] aniya.
Napalingon nalang ako ng tawagin ako ng isa sa event organizer at sinabing magsisimula na ang fashion show.
"Chad, See you later nalang...."
Inabot ko naman ang cellphone ko sa personal assistant ni Adrianna.
"Are you ready Ms. Shein?" nakangiting tanong ng isang organizer.
Tipid akong ngumiti. "Well, Kinakabahan lang ako ng kaonti,"
Natawa naman siya sakin saka hinaplos ang braso ko. "Come on Ms. Shein, Ikaw pa ba kakabahan? Napakasikat mo kaya,"
Hindi ko naman maiwasang mahiya sa papuri niya. Palagi naman akong napupuri pero hindi padin ako nasasanay.
"This is my first fashion show sa pilipinas,"
Hindi naman na siya nakasagot dahil hinatak na ako ni Adrianna papunta sa malapit sa stage at kung ano-anong paalala ang sinasabi sakin.
"Adrianna, Calm down! Kinakabahan lang ako lalo sayo oh? I can do it..." natatawa kong wika.
Bumuntong-hininga naman si Adrianna sa tabi ko kaya hinaplos ko ang braso niya para mapakalma siya.
"Let's welcome, Ms. SD. The new face of LV Clothing line..." wika ng emcee.
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...