Hindi ko magawang tignan si Elijah. Alam kong wala akong sinabing masama tungkol sa relasyon namin.
Pero siyempre ayokong mapahiya si Elijah lalo na nandito yung epal na lalaking ito.
"Magandang Gabi po Mr. De Villaga..." wika ni Elijah.
Napalingon ako sa kanya. Gusto ko siyang pigilan sa balak niyang gawin pero malayo siya sakin.
May inabot siya kay Daddy at sa tingin ko wine ang inaabot niya kay Daddy.
"Sana po matanggap niyo po ito at masaya po akong nakauwi na kayo. I know how much Via misses you," dagdag ni Elijah.
Ngumiti ng tipid sa kanya si Daddy saka tinanggap ang hawak niya.
"Salamat Iho," wika ni Daddy.
Akala ko makakalusot na ako sa boyfriend thing na yan ng magsalita si Kuya Aidon.
"Avi, Siya yung lalaking nakahawak sa baywang mo kahapon na sinasabi kong may gusto sayo diba?" malamig niyang tanong.
"Kuya Aidon...."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at paano ko ipapaliwanag sa kanila.
"Yes po. Ako po yun." Nilingon naman ako ni Elijah kaya inilingan ko siya. "I'm taking this chance to ask you if can I court your daughter Sir?"
"Elijah," saway ko at lalapitan na sana siya pero hinatak ako ni Kuya Aidon.
"Let him Avi. If he's serious about you, He'll asked our permission to let him court you," seryosong wika ni Kuya Aidon.
Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko pero nagkibit-balikat lang sila habang nakangiti samin.
"How much do you like my daughter?" seryosong tanong ni Daddy.
Wala na akong magawa dahil sa oras na subukan ko pang magsalita ay baka masira ang party ni Daddy.
"I like her so much Mr. De Villaga and I want her to be my girlfriend,"
Ngumisi naman si Kuya Aidon. "Pano ko masisigurado na yang like na sinasabi mo ay magiging love yan? Na hindi mo sasaktan ang kapatid ko?"
"Then let me court her and I promise you that I'll love her... I won't hurt her, I'll kill myself if I hurt her," seryosong wika ni Elijah.
Nakangiti lang ang mga kaibigan namin na akala mo sobrang proud sila sa ginagawa ni Elijah.
"Patunayan mo saking seryoso ka sa anak ko at kapag dumating yung time na umiyak ang anak ko dahil sayo. Pinapangako ko na ilalayo ko siya sayo," ani Dad.
Napatingin ako kay Dad at Kuya Aidon. It does mean, They'll let Elijah to court me?
Napangiti naman si Elijah sa sinabi ni Daddy. "Thank you po Mr. De Villaga. Hindi ko po kayo bibiguin."
"Tito nalang ang itawag mo sakin,"
Binitawan na rin naman ako ni Kuya Aidon. Padabog na tumayo si Ate Monica sa kanyang upuan.
"Mommy, Let's start this party... Masyadong attention seeker," nakasimangot na wika ni Ate Monica.
Tumalikod na rin naman samin si Ate Monica. Pinaupo ko narin ang mga kaibigan ko sa table nila Ate Monica kasama ang mga kaibigan niya.
"Elijah, Are you sure about this? We're friends," ani ko.
Inakbayan niya naman ako saka lumapit pa ng kaonti sakin.
"I know that you know already that I like you. Hindi ka naman siguro manhid 'no? Gagraduate narin naman tayo kaya walang masama kung ligawan kita. Gusto kita Via higit pa sa kaibigan,"
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...
