Pagkatapos ng nangyari sa boracay ay hindi ko na uli nakita yung tatlong lalaki. Siguro dahil malabo naman talagang makita ko pa sila dahil hindi naman sila ang katrabaho ko.
Nandito ako ngayon sa sementeryo kung nasan ang tunay kong Mommy. Nagpaalam kasi ako kay Adrianna na dadalaw muna ako dahil mula ng makauwi kami ay hindi pa ulit ako nakakapunta dito.
Nilapag ko ang bulaklak sa ibabaw ng lapida ni Mommy.
"Hi Mom... It's been three years since the last time I visit you here... I'm sorry kung ngayon lang po ako nakadalaw po ulit. Kinailangan ko pong lumayo para magpahilom. Hindi pa kita nakikita sa personal or nakakasama pero namimiss na kita Mom... I always wish that you are here beside me," ani ko.
Akalain mo yung unang dalaw ko sa Mommy ko dati ay ang huling dalaw ko ulit tapos ngayon lang ulit.
Kahit gaano na ako kasikat hinahanap ko padin yung kalinga ng isang ina.
"Avianna?"
Napalingon ako dahil sa matigas na boses na nanggaling sa likuran ko. Bigla ako nanigas ng makita si Kuya Aidon.
What is he doing here? He's not supposed to be here especially this is my Mom tomb.
Namalayan ko nalang na hawak niya ang magkabilang braso ko.
"Is that really you baby sis?" aniya at yinakap ako ng mahigpit. "I miss you Avianna. Kuya Aidon misses you,"
Hindi ko naman maiwasang maluha kaya agad kong pinunasan ang luha ko saka tinanggal ang kamay niyang nakayakap sakin.
"What are you doing here?" malamig kong tanong.
"Nung bigla kang umalis... Nawala, Binibisita ko ang Mommy mo baka sakaling makita dito and alam kong gusto mong maalagaan ang puntod ni Tita Aviela kaya ginawa ko for you," paliwanag niya.
Umiwas ako ng tingin kay Kuya Aidon saka kinuha ang sling bag ko na nasa gilid ng lapida ni Mommy.
"You can stop doing that. I'm here now,"
Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.
"Kailan ka pa nakabalik? Alam mo bang hinanap ka namin ni Daddy miski sa mga kaibigan mo? Kahit sinabi mong wag ka nanaming hanapin pa ay hinanap ka padin namin pero kahit saang sulok ka namin pahanap ay walang makita ang private investigator hangang sa lumabas ka bilang modelo sa hongkong,"
Ngumisi ako. "I'm not buying that. Akala mo po ba madali niyo pa akong mapapaniwala? Well, Fyi I'm not the Avianna that you all used to know... I'm Shein now."
"Avianna..." Humakbang siya palapit sakin pero umatras naman ako.
"Stop.calling. me. Avianna!" sigaw ko. "Kuya Aidon, It's been three years. Nabuhay akong wala kayo at naging payapa ang buhay ko kaya please tigilan niyo na ako,"
"Dad missed you so much Avi. I always saw him looking at your picture and staying to your room,"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong makita niya akong umiiyak nanaman ng dahil lang sa kanila. Matagal na akong tapos sa ganon.
"Pamilya ko kayo. Oo, Pero mananatili nalang yun sa papel." Naglakad na ako paalis kahit paulit ulit akong tinatawag ni Kuya Aidon.
Bago ako umakyat sa condo unit ko ay inayos ko ang itsura ko. Sinigurado kong hindi mahahalata ng mga kaibigan ko na galing ako sa pag-iyak.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat nalang ako ng magsigawan silang lahat. Si Adrianna, Mga kaibigan ko, Ms. Heidi at pati sila Tati at yung tatlong lalaki ay nandito.
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
Aktuelle LiteraturIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...
