"Change of plans," aniya.
Kumunot naman ang noo ko saka tinitigan siya ng mabuti. There's something wrong with Adrianna. Kanina pa aligaga ng makarating ako.
"Can you explained to me what's happening Adrianna? Umaatras na ba sila at ayaw na nila akong kuhanin bilang modelo?" tanong ko.
"Of course not! You are a top model here in hongkong and actually umaabot kana hangang pilipinas kahit papano kaya imposible yang sinasabi mo," aniya.
Kaya ba hindi ako hinanap ng family ko dahil alam nilang nandito ako? Winaksi ko naman kung anong naiisip ko. That's imposible since they doesn't care about me.
"Actually, Shein kailangan nating umuwi ng pilipinas?" kinakabahan niyang wika.
Tanda kong sinabi ko kay Adrianna na papayag akong magshoot kahit saang parte ng mundo pero wag lang sa pilipinas. Wala na akong planong balikan ang lugar na yun.
Pero katulad ng sinabi ko kela Chad, Handa na akong bumalik ng pilipinas. Babalik ako sa bansang iyon dahil sa pagiging modelo ko.
"I know Shein you already told me about that but I can't decline that opportunity... That is a big break for you. You know I'm doing all of this for you," paliwanag niya.
Bumuntong-hininga ako saka ngumiti sa kanya. "Kailan ba ang flight natin pabalik ng pilipinas?"
Nanlaki ang mata ni Adrianna at nabitawan ang ballpen na hawak niya. "Does that mean?"
"Yes Adrianna. Okay na saking bumalik ng pilipinas, Para sa shoot diba? Basta asikasuhin mo ang lahat pati ang condo na titirahan ko,"
Tumango-tango siya sakin saka kinuha ang cellphone niya. May tinawagan agad siya para sa mag-aasikaso ng mga papeles namin.
Nagpaalam na akong uuwi muna ako dahil may need lang akong kausapin. Naabutan ko ang mga kaibigan kong nakahilata habang nanunuod sa condo ko.
"Oh, Akala ko may shoot ka Shein?" tanong ni Chad.
Pabagsak akong umupo sa sofa ko saka sumandal kay Ayi. "Nakansela e. May pinagusapan kami ni Adrianna,"
"Ano naman yun? Mukhang exhausted ka masyado?" entrada ni Mizy.
"Kailangan kong umuwi ng Pilipinas," matamlay kong wika.
Nanlaki naman ang mata ni Mizy. "So, It's really true?"
Sinabunutan naman siya ni Chad. "I already told you that we might go home in the philippines. Where's your brain? Gaga!"
Sinamaan naman ni Mizy si Chad habang inaayos ang buhok. "Da! I thought you're just joking."
Napailing nalang ako sa dalawa. Ganyan yan e. Laging nagtatalo.
"You know guys, You don't need to do that. I know umalis kayo ng pilipinas because of your personal reason. And ayoko namang bumalik kayo dahil lang sakin,"
"Shein, Our personal reason is settled already. Ayos na kami ng family ko remember? We we're friends right? And we won't leave you no matter what," ani Ayi.
Bumuntong-hininga ako saka pumikit habang nakasandal sa sofa namin.
"What's really bothering you?" seryosong tanong ni Ayi.
Ano nga ba? Handa na ako e. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko sa pagbabalik ko kaya bakit ganito ang nararamdaman ko.
Inalog ni Ayi ang braso ko ng hindi ko soya pinansin or nilingon manlang.
"Come On Shein, Tell us what's bothering you?" pangungulit ni Ayi.
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko habang nakapikit.
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
Fiction généraleIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...
