Hindi nanamin ulit napag-usapan ang nangyari nung isang araw at naging payapa naman ako.
Kasalukuyan kaming nandito sa boracay kung saan ginanap ang shoot ko. Buti nga nakasama ang mga kaibigan ko lalo na sumama yung tatlong lalaki kela Tati.
"Kanina pa nakatingin yung ex mo sayo," bulong ni Chad.
Kibit-balikat nalang ako saka nanuod sa mga taong naglalaro ng volleyball.
Nararamdaman ko din naman ang titig nila sakin pero pinili ko nalang mawalan ng paki. Kaysa ipahalatang apektado ako sa presence nila.
"Shein, Hindi kana magpapalit? Ayan na ang two piece na susuotin mo?" tanong ni Mizy.
Tumango naman ako saka ngumiti sa kanila. Inaya nila akong sumali sa naglalaro pero nagpaiwan nalang ako sa kanila.
Nang makaramdam ako ng uhaw ay nagpunta ako sa malapit na bar para umorder ng inumin.
"Hi miss..." Sabay hawak sa baywang ko at dahil nga naka-two piece ako ay ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya.
Ngumiti nalang ako saka dahan-dahang inalis ang kamay niya sa baywang ako. Ayoko naman maging rude lalo na hindi ako normal na tao lang.
"Mag-isa ka ba? Why don't you join us? Or we can check in?" ngisi niya.
Tinaasan ko naman siya saka nginisian. "Sorry pero hindi ako pumapatol sa katulad mo,"
Tinalikuran ko na siya pero agad namnan niya akong hinatak pabalik at kahit tinutulak ko siya ay ayaw niya akong bitawan.
"Kapag hindi mo pa ako binitawan ay mapipilitan na akong sumigaw!" banta ko sa kanya.
Ngumisi naman siya sakin. "Sumama kana kasi sakin. Siguradong sisigaw ka din sa sarap,"
Sinampal ko naman agad siya. "Bastos!"
This is the first time na mabastos ako ng ganito. Panay hatak ko sa braso kong hawak niya pero pilit niya din akong hinahatak paalis nang may humawak sa kamay ko at hinatak ako.
Napalingon naman ako sa nagmamay ari ng kamay na humatak sakin palayo sa nambabastos sakin.
"Elijah...." ani ko.
"Dude, Wag kang makisali dito! Maghanap ka ng iyo!" madiing wika nung bastos na lalaki.
Ngumisi naman si Elijah. "Halata namang ayaw niya diba? So, Bakit pipilitin? Walang makuhang babae kaya namimilit ka na?"
Susugurin na sana siya nung lalaki ng may dumating na guard. "May problema po ba dito?"
Tinuro ko yung lalaking nasa harap ko. "Siya po binabastos ako,"
Nilingon naman niya yung lalaki pero umiling ito saka umalis sa harapan namin. Nagpasalamat nalang ako sa guard at buti nalang talaga dumating siya.
Hinatak ko ang braso kong hawak ni Elijah saka lumayo sa kanya.
"Hindi mo kailangan mangielam. I can take care of myself!" malamig kong wika.
Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko. Napailing pa siya sakin pero umirap nalang ako sa nalang.
"Obviously, He didn't leave you even you told him na ayaw mo." aniya.
"And so what? That's not your business!"
Bakit naman kasi sa dami ng tutulong ay siya pa? Bakit kailangan niya pang mangielam.
Tinalikuran ko na siya at aalis na sana sa lugar na yun ng magsalita nanaman si Elijah.
"Ikaw na nga tinulungan. Ikaw pa ang ganyang ugali,"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Well, Thank you but I don't need anyones help especially when it comes from you,"

BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...