Pagkatapos ng isang linggo ay dinischarged na ako ng doctor ko. Kasalukuyang nagbabayad si Ayi at Chad ng hospital bill ko kaya ako nalang nag-aayos sa sarili ko.
Nung nalaman nila Chad yung usapan namin ng asawa ni Daddy hindi naman sila nagtanong pa about doon.
Tatayo na ako saktong bukas ng pinto at bumungad sakin si Elijah. Simula ng huling punta niya dito ay ngayon ko lang siya ulit nakita kaya nakakapagtaka na nandito nanaman siya.
At agad naman niyang nilapag ang bulaklak sa sofa at saka lumapit sakin para alalayan ako.
"Kaya ko na Elija----ayyyy!" Napatili ako ng bigla akong nadulas pagkaapak ko sa basahan sa sahig.
Buti nalang nasalo ako ni Elijah kung hindi baka naman napilayan ako at hindi matuloy ang paglabas ko.
"Thank you," nahihiyang wika ko habang siya ay nakatingin lang sakin. "Elijah, You can let go of me na,"
Nagulat nalang ako nung nilapat niya ang labi niya sa labi ko. Hindi ko naman maintindihan sa sarili ko kung bakit napahawak ako sa dibdib niya.
Itutulak ko nalang sana siya kaso mas nilaliman niya pa ang pagkakahalik niya sakin at kinagat ang ibabang labi ko para maipasok ang dila niya sakin.
Ang sumunod na nangyari ay nakaupo na ulit ako sa kama habang nakayakap ang mga braso ko sa leeg niya at nagrerespond na sa mga halik niya.
"Elijah...." ani ko sa pagitan ng halikan namin pero pinagpatuloy niya ulit ang halikan namin hangang sa maramdaman ko na binababa niya ang strap ng dress ko.
"Fuck!" ungol niya saka hinalikan ako sa leeg napapikit naman ako sa ginagawa naming dalawa.
I shouldn't let him do this pero bakot hindi ko siya magawang itulak? Bakit hinahayaan ko siya at parang nagugustuhan ko kung anong ginagawa namin?
"Ahh!! Elijah!" Ungol ko ng haplusin niya ang boobs ko habang hinahalikan ako sa leeg ko.
Natulak ko lang siya ng biglang pasok ng dalawa kong kaibigan.
"Shein, Makakau------Ayyyy!" putol na wika ni Chad.
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko saka yumuko nung makita kong ngumisi sila Ayi at Chad.
"Nakakaistorbo ba kami? Pwede pa naman kaming lumabas," nakangising wika ni Ayi.
Humalakhak naman si Elijah kaya sinamaan ko sila ng tingin pero mas lalo lang sila natawa.
"Gusto ko nang umuwi!" Bumaba na ako sa kama na agad namang umalalay si Elijah sakin pero tinabig ko lang ang kamay niya.
Humarap sakin si Chad nung maipasok niya na ang gamit ko sa sasakyan niya.
"Kanino ka sasakay?" tanong niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong klaseng tanong yan Chad? Did you expect anything?"
"Malay mo gusto mo palang sumakay kay Elijah I mean sasakyan niya ha?" pang-aalaska niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin saka naunang sumakay sa sasakyan niya. Hangang sa makarating kami sa unit ay tahimik lang ako kahit napapansin ko ay mapang-asar nilang tingin ni Ayi.
Hindi ko naman akalain hangang unit ay susunod si Elijah pa samin.
"Wala ka bang pasok sa trabaho mo?" mataray kong wika.
Ngumisi naman siya. "Kaya na nila Anwyll yun. Halos isang linggo akong wala sa tabi mo kaya babawi naman ako,"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Tatlong taon ka wala sa tabi ko pero kinaya ko kaya kahit wag ka mg bumawi,"
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
Ficción GeneralIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...