Isang linggo na mula ng nangyari yung pag-uusap namin. About our training and seminar, It turns out good.
Ilang araw nalang din ang inaantay namin para sa graduation namin at ngayon ko balak kausapin si Daddy.
I want them to know that I am suma cumlaude. I want to see if they're proud to me and I want to know if they can make it to my graduation day.
Binaba ko yung kutsara at tinidor na hawak ko saka tinignan si Daddy na busy sa pagbabasa ng dyaryo habang nagkakape.
"Dad." Binaba ni Daddy ang hawak niya saka tinignan ako kaya ngumiti akong tipid. "Three days from now will be my graduation day. I hope you and Mom can make it? I want both of you to be there e?"
Ngumiti sakin si Daddy pero bigla namang sumingit samin si Mommy.
"Honey, I'll remind you about Monica's graduation day... That will be three days from now," wika ni Mommy.
Napalingon naman ako kay Mommy at Ate Monica. Tanging si Ate Monica lang ang nakangisi sakin.
Ngayon ko lang din nalaman na sabay kami ng graduation ni Ate Monica. Tumikhim naman si Kuya Aidon na nasa gilid ko.
"I think Mom it's better kung si Daddy ay kay Avianna aattend tapos ikaw kay Monica, Right? Para fair?" mahinahong wika ni Kuya Aidon.
"What?" gulat na wika ni Ate Monica.
Sa akin wala akong problema don dahil alam ko namang ayaw umattend ni Mommy sa graduation ko.
"But Dad this is the first time na nandito ka sa graduation ko. I want you to be there Dad, Please!" dagdag ni Ate Monica.
Mahahalata mo kay Daddy nahirapan siya sa desisyon pero mahahalata mo sa kanya na may desisyon na siya.
"Dad, I am sum----"
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng tinawag siya ni Mommy kaya nilingon ako ni Daddy.
"Avianna, I know you'll understand me and your Mom right? I promised to your Ate first,"
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko.
"Dad, What do you mean about that? You won't go Avianna's graduation? I think you're being unfair here Dad."
Umiling si Daddy. "I'm not saying that. Malalate lang kami pero hahabol kami sa graduation mo, Pangako ko yan sayo Avi..."
Sasagot pa sana si Kuya Aidon pero hinawakan ko siya sa braso niya at inilingan.
Ayoko ng sabihin na suma cumlaude ako. Ayoko na silang pilitin. Gusto ko kung pupunta sila ay willing sila, Hindi dahil sa natanggap ko. Hindi dahil napilitan sila.
I'm tired of seeking their attention. They always choose Ate Monica over and over again and I keep disappointing because I always assumed that they can find time for me.
"Don't make a promise Dad... I don't want to assume anything," tipid kong wika.
"Anak----"
Ngumiti ako kay Dad. "That's fine... I let you decide and if you're decided to choose to be with Ate Monica on our graduation? I can't do anything about that,"
Tumayo ako saka tumingin kay Ate Monica na nakangisi. Ngumiti ako sa kanya ng tipid bago tinalikuran.
Malapit na ako sa mga kaibigan ko ng naramdaman ko naman yung kamay ni Ate Monica sa braso ko.
"What do you need Ate Monica?" magalang kong tanong.
Ngumisi siya saka tumingin sa mga kaibigan ko. "How does it feel Avianna? Knowing that Dad won't be there to your graduation?"
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...