Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Susubukan ko pa sanang tulugan uli kaso wala naman tigil ito sa pagtunog.
"Hello...."
[Goodmorning Shein!]
Tinignan ko naman kung sino ang tumawag. Si Adrianna pala, Agad ko lang kasing sinagot ang tawag niya e.
"Hmm... Good morning Adrianna, What can I do for you?" ani ko.
[Wake up sleepyhead. Magsusukat tayo ng gown mo para sa fashion show bukas,]
Napabangon naman ako saka tumingin sa wall clock ko. Alas nuwebe na pala. Hindi manlang ako ginising ni Chad.
"I thought I can't go out?"
[Well, You need to go out for your fitting. May dalawang lalaking nag-aantay sayo sa baba para walang makakilala sayo. Just please wear sunglass, Okay? Take care!]
Hindi na ako naka-alma dahil pinatayan niya na ako ng tawag. Do I really need to have a guard for godsake?
Pumasok na ako sa bathroom ko para maligo at mag-ayos. Adrianna will hysterical if I don't go there in time.
I wear a simple dress and high heels.
Paglabas ko sa kwarto ko ay naabutan ko si Chad na nasa sala nanunuod habang kumakain ng burger.
"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko.
"I thought you want a beauty rest since bukas na ang fashion show mo?" aniya.
Umirap nalang ako sa kanya saka uminom ng fresh milk.
"Akala ko bawal kang lumabas? Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Fitting ng gown ko para sa susuotin ko,"
Tumayo naman siya habang nakatingin sakin. "Samahan pa ba kita?"
Umiling nalang ako saka ngumiti. "No need. May pinadalang tao si Adrianna nasa baba na,"
Humalik ako sa pisngi niya saka sinuot ang sunglass ko at lumabas nang condo. Hindi ko alam kung nahahalata ba ng tao sa paligid ko kung sino ako pero napapatingin lang sila sakin.
"Ma'am, Ako po si Alejandro. Kami po yung pinadala ni Madam Adrianna para bantayan at pagmaneho ka," ngiting wika niya.
Ngumiti nalang ako sa kanila saka sumunod nalang sa kanila papunta sa sasakyan nila. Pinagitnaan naman nila ako para hindi mapansin masyado ng mga tao na tumitingin sakin.
Feeling ko nga mas nakahalata sila dahil may kasama akong bodyguard e.
Pagdating namin sa lugar na sinabi ni Adrianna ay nakaupo lang siya habang nagbabasa ng magazine.
"Adrianna..." tawag ko.
Nilingon naman niya ako pati ng mga kasama niyang dalawang babae. Tumayo siya saka hinalikan ako sa pisngi.
"Eto ang alaga ko Mildred," ani Adrianna.
Tinanggal ko ang sunglass ko saka nilahad ang kamay ko. "Shein De Villaga,"
Nanlaki naman ang mga mata nila habang titig na titig sakin.
"Oh my god? Maganda ka po pala talaga Ms. Shein. Akala ko sa picture lang," nahihiyang wika ng isa sa kanila.
Ngumiti lang ako sa kanila ng tipid. Pinakiusapan din sila ni Adrianna na sana wala munang makaalam na nakarating na ako sa pilipinas.
Habang sinusukatan ako ni Mildred ng susuotin ko para pagkatapos ng event ay bigla naman niya akong kinausap.
"Napakaganda mo talaga Ms. Swerte siguro ng boyfriend mo," nakangiti niyang wika.
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko saka ngumiti ng alanganin. "I'm single,"
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...
