Isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari yun sa gymnasium. Napakiusapan ko si Coach na wag na paabutin sa dean ang nangyari.Mula noon ay hindi ko narin nakausap si Jon miski sa practice game nila Elijah ay hindi ko na siya nakikita. The last time I heard is he quit playing basketball.
Maybe, That's for good especially he didn't play because he wants too but because he just want to impress me.
Everytime din na nakikita ko siya sa university ay umiiwas rin siya and I think mas better yun para mas matutunan niyang mahalin ang sarili niya.
As for me and Elijah, We had a fight that day. Kahit anong explain niya ay hindi ko siya magets. Tanda ko pa kung pano kami nagkausap noon.
Ginagamot ni Noe ang sugat niya sa labi niya ay nakatingin lang ako sa kanya.
"Why do you have to do that?" malamig kong tanong.
"Ang alin? Ang sun---"
"Oh, Come on Elijah. Cut the crap! Stop fucking pretending that you don't know what I'm talking about!" putol ko sa kanya.
"I'm sorry... You know that I love you. Ang daming nagkakagusto sayo dito kaya hindi ko maiwasang matakot na baka may makita at magustuhang iba bukod sakin," paliwanag niya. "I know there's someone is better than me... You're perfect and I'm afraid that you might fell for someone else,"
Napapikit nalang ako. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang insecurities niya.
"Why don't you trust me?"
Tahimik lang naman ang mga kaibigan namin na nasa gilid namin. Alam ko na dapat naguusap kaming dalawa lang pero hindi ko na napigilan kanina sa sobrang inis ko.
"I trust you Via... But I can't trust them! I know boys. They'll do everything just to have you." sigaw ni Elijah.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Like what you did?"
Napayuko naman siya saka hindi kumibo. Buti nalang din walang tao dito sa clinic kundi kaming magkakaibigan lang.
"Like saying rude to someone? Do you really think that everyone is like you? You know what Elijah, You've been like that because you are insecure! And I don't understand why do you have to be insecure... Do you really trust me? Because I think your not!"
Pagkatapos nung sagutin naming yun ay pinili kong umuwing mag-isa at hindi niya rin naman ako sinundan noon. Para rin makapag-isip isip siya kaya mas mabuti na yun.
And until now hindi padin kami nag-uusap. Oo sinusundo niya ako pero walang usapang nagaganap at alam kong naiipit ang mga kaibigan namin saming dalawa. Ni hindi ko nga alam kung tama bang hinayaan ko siyang manligaw sakin eh.
"Let's go? Gutom na gutom na ako," aya ni Tati.
Ngumiti ako sa kanila. "Kayo nalang kumain, I'll stay here!"
"Hindi ka kakain?" tanong ni Noe.
Inangat ko ang sandwich ko para maipakita sa kanila. "Kuya Aidon made this for me!"
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...