Kabanata 22:

37 1 0
                                    


Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko na ang katulong namin na nag-aayos ng halaman.

"Magandang hapon po Ma'am," bati ng isang katulong.

"How many times do I need to tell you that call me by name, Ate Leisa?" ani ko.

Ngumiti naman siya sakin. "Nako po Ma'am, Hindi po pwede kasi. Lagi po kaming sinasabihan ng Mommy mo na wag kayong tatawagin sa pangalan lang,"

Kaya pala kahit lagi kong sinasabi sa kanila na Avi or Via nalang itawag sakin ay hindi nila ginagawa.

Ngumiti nalang ako saia dumiretso na papasok ng loob ng bahay. Napatigil nalang ako nang marinig ko ang boses nila Ate Monica at Daddy.

"What do you want Monica after you grad?" tanong ni Dad.

Really Dad? You had time asking Ate Monica but you didn't do it for me too? Why are you so unfair?

"I want to be Model Dad. Do you think I'll be a model?" masayang wika ni Ate Monica.

"Of course Monica. You'll be a great Model and I'll be your number 1 supporter," ani Dad.

"Really? Really?"

Napabuntong-hininga nalang ako saka papasok na sana ng tuluyan ng lumabas naman si Kuya Aidon.

"Oh, Avianna..." aniya. "Kanina ka pa?"

Nilingon ko naman sila Daddy na nakangiti habang si Ate Monica ay biglang napasimangot.

"Hindi po Kuya... Kadating ko lang,"

Hinawakan niya ang noo ko kaya nagtaka naman ako kay Kuya Aidon.

"Are you sick? Ang tamlay mo," nag-aalalang wika ni Kuya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa noo saka umiling. "I'm not feeling well... Siguro napagod lang ako sa exam,"

Nagpaalam na ako sa kanilang aakyat na ako ng kwarto. Pabagsak ko namang binaba ang bag ko sa kwarto saka nahiga sa kama.

Kapag nandito ako sa bahay lagi kong nararamdaman na ang lungkot ng buhay ko kaysa kapag kasama ko ang mga kaibigan ko.

Napabangon ako ng may kumatok sa pintuan ko. "Sino yan?"

Kumunot ang noo ko dahil ayaw sumagot pero patuloy na kumakatok sa kwarto ko kaya tamad akong bumangon para pagbuksan ng pinto.

"Ate Monica?" gulat kong wika.

Nginisian niya naman ako. "I'll just here to tell you something Avi,"

Kinagat ko yung ibabang labi ko bago nagsalita. "What is it Ate?"

Tinulak niya ang pinto ng kwarto ko para makapasok siya sa loob. Tinignan niya naman ang mga picture frames na nakadisplay dito.

"Do you see this? Our family picture..
You look like outsider here," halakhak niya.

I don't  know what she wants and this is the first time na tumapak siya sa kwarto ko.

"Don't you feel it Avi? You're not belong here... Mommy is always with me. As for me and Daddy? He always had time for me but you? Anong meron ka?"

"Ate Monica, What do you need?"

Humalakhak naman siya saka nilapag ang family picture namin pataob.

"You only have Kuya Aidon because he doesn't want me... And I don't understand why Kuya Aidon always protect you even you're nothing!" ngisi niya.

"Did you go here Ate Monica to say that? To pissed me off?"

Humalakhak naman siya saka tinignan ako ng masama. "I'm here to tell you that I didn't forget what you did to me. For stealing Patrick from me and I'll make sure that you'll regret it,"

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon