Pagkatapos namin mag-usap ni Adrianna ay lumabas na ako at wala na si Elijah. Nilingon ko sila Noe at Tatianna na nililigpit ang gamit nila.
"Umalis na si Elijah," tipid na wika ni Noe.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. "I'm not expecting him to wait for me and gladly he already left,"
Lumabas na agad ako ng studio after kong bitawan ang salitang iyon. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Bakit parang nasaktan ako sa sinabi ko?
Tinawagan ko nalang si Chad na didiretso na ako sa bar na madalas naming pinagtatambayan para mag-chill.
"Hard drinks nga!" ani ko pag-upo ko sa harap ng bartender.
"Oh, Ms. Shein... Are you alone?" gulat na wika ng bar tender. "Where's your friend?"
At dahil nga lagi kaming dito sa bar ba ito tumatambay kaya kilala na kami ng mga staff dito.
"Parating palang sila," ani ko.
Tumango-tango naman siya saka nilapag ang isang bote ng alak sa harap ko. Agad ko namang tinungga.
"Babe!" wika ni Chad ng makalapit sila sakin saka tinignan ang hawak kong bote. Ngayon ko lang napansin na naka-limang bote na pala ako.
"Boss, Pasensya na mula kasi dumating yan dito nanghingi na agad. Nagagalit naman kapag hindi ko binibigyan," paliwanag nung bartender.
Nginitian ko silang tatlo saka tinaas ang boteng hawak ko. "Hi guys! Order na kayo, Dali! My treat!"
Tinungga ko uli ang alak na hawak ko pero hinatak ni Chad ang kamay ko.
"What's your problem?" seryoso niyang tanong.
Umiling ako. "Diba sabi niyo night out? Eto lang naman ginagawa ko,"
"Sabi namin barkada night out pero hindi para lunurin ang sarili sa alak,"
Natawa naman ako sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kanila saka pinunasan agad ang luhang pumatak sa pisngi ko.
"Chad, Do you think I made a right decision?" tanong ko.
"Huh? Ano ba yun? Yung babalik tayo sa hongkong?"
Umiling ako sa kanya saka uminom saglit sa alak na hawak ko. "Yung ito. Yung pag-uwi natin sa pilipinas. Tama ba na pumayag ako na bumalik pa dito?"
"Why are you asking that? All of a sudden? Come on, Shein babalik na tayo ng hongkong ngayon ka pa ba magtatanong ng ganyan?" natatawang wika ni Chad.
Hinampas ni Ayi sa balikat si Chad saka tinulak palayo sakin.
"What happened? Hindi mo maitatago na may problema ka Shein," ani Ayi.
Bumuntong-hininga ako. "I told Adrianna everything. About my past, About Elijah as in everything...."
"Then? What did he say?"
Tumunga muna ako sa alak bago hinarap si Ayi. "He told me to fixed everything before I leave this place,"
Tumikhim naman si Chad bago suminggit samin ni Ayi. "I think your manager is right Shein. Sa tingin mo bakit ka nahihirapan ngayon nung makita mo ulit sila? Yung family mo. Yung friends and your ex boyfriend?"
Napatingin naman ako kay Chad saka inantay ang idudugtong niya.
"Kasi nung umalis ka ng pilipinas ay wala kayong closure. Umalis ka sa pilipinas na galit sila sayo. Umalis kang dala-dala yung sakit na dinulot sayo ng Ate mo at kung babalik tayo sa hongkong na hindi mo ulit inaayos ang issues mo at hindi mo nililinaw sa lahat kung anong nilalaman niyang puso mo ganon din mangyayari sayo Shein.... Pagbalik mo ulit dito ay affected ka padin," paliwanag ni Chad.
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
Genel KurguIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...