Lumipas ang isang linggo mula ng maospital ako at nagkaroon narin kami ng press conference. Pagkatapos kong linawin na wala akong boyfriend ngayon ay natahimik narin ang issue sakin sa socmed.
"Shein!" Tumatakbo papasok sa kwarto ko si Ayi na may hawak na brown envelope.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "What?"
Ngumiti siya saka inabot sakin ang hawak noya. "Binigay yan nung investigator at sinabi niyang nandyan na lahat ng detalye tungkol sa pamilya mo,"
Binuksan ko naman agad ang envelope at hindi nga nagkamali. Nahanap kung saan nakatira ang pamilya ko pati kung saan nagtatrabaho si Ate Monica.
"May boyfriend na pala siya," ngisi ko.
Nakatingin naman sakin sila Ayi. Actually, Ayaw ni Ayi na ituloy ang plano ko pero wala siyang magawa kasi ito ang gusto ko.
"So, What's your plan?" tanong ni Ayi.
Tinaasan ko siya ng kilay saka ngumisi. "Makikipagkita ako sa kanila,"
Napailing nalang si Ayi sakin kaya kinuha ang cellphone ko para kausapin si Adrianna. I'll asked her to give me a two days off.
Pinayagan naman agad ako ni Adrianna kaya naisipan kong mag-asikaso para pumunta sa montalban kung nasan na nakatira sila Daddy.
Habang nagmamaneho si Chad ay natutulog si Ayi at Mizy sa likuran ng magsalita si Chad.
"Shein, Are you sure with this? I thought you don't want to see them?" aniya.
He's right. Ayaw ko ng makasama sa iisang bubong ang pamilya ko pero gusto kong maranasan ni Ate Monica ang pinaranas niya sakin.
For sure, Daddy and Kuya Aidon doesn't have idea for what she did.
"Ayoko naman talaga but if its the only way to let my sister suffer? Titiisin ko nalang," ani ko.
Hindi nalang kumibo si Chad sakin. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na ako sa byahe.
"Shein," alog ni Chad sa braso ko.
Kinusot ko ang aking mata saka tumingin sa labas ng sasakyan.
"Sigurado ka na ba? Habang hindi ka pa nila nakikita Shein ay pwede ka pang umatras," wika ni Ayi.
Ngumisi naman ako saka tinignan ang bahay nila Daddy. "Sino ang may sabing aatras ako? Hindi pa ako nagsisimula Ayi,"
Bumuntong-hininga si Ayi. "Hindi ako suportado sa plano mo Shein. Pero kaibigan kita kaya hindi kita iiwan,"
"Thank you Ayi!" nakangiti kong wika.
Hindi na kami nahirapan makapasok dahil nakilala ako ng isang katulong na nagbukas ng gate nila.
Pagpasok namin ay naabutan ko silang lahat sa sala. Tanging isang lalaki lang ang hindi ko namimukhaan.
"Sir, May bisita po kayo..." wika ng katulong.
Hinawakan ako ni Chad sa braso pero nginitian ko siya.
Nanlaki ang mata nilang lahat ng makita nila akong nasa harapan nila.
"Avianna?" sabay na wika ni Kuya Aidon at Daddy.
Ngumiti ako sa kanila. Lumapit sakin si Kuya Aidon saka niyakap ako ng mahigpit.
"I miss you!" aniya.
Pagkalas ng braso ni Kuya Aidon ay ngumiti nalang ako ng tipid. Lumapit rin si Daddy saka ako binigyan ng mahigpit na yakap.
"Sobrang namiss kita Anak ko," masayang wika ni Daddy. "Hinanap ka namin, Alam mo ba yun? Pumunta kami sa mga kaibigan mo na baka nagpunta ka sa kanila pero miski sa kanila ay wala ka,"
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
Ficción GeneralIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...
