Kabanata 37:

33 1 0
                                    

"Babe, Your manager is here..." ani Chad.

Ginilid ko muna ang maleta ko bago nilingon si Adrianna. "Oh, Akala ko sa airport na tayo magkikita?"

Ngumiti siya sakin. "Are you sure about this Shein? I know I'm the one who told you that we need to go in the philippines but---"

Bago niya matapos pa ay pinutol ko na siya. Hahaba lang ang usapan namin.

"Adrianna, Ayos na. Handa nanaman ako sa pagbalik don and besides this is work right?" ani ko.

Tumango naman siya sakin habang nakatingin sa mga mata ko kaya ngumiti ako sa kanya. Kahit naman pagkakaperahan namin ito kung ayaw ko ay nirerespeto niya ang desisyon ko.

Adrianna isn't just my manager, He likes a Mom to me. Yes, Adrianna is gay...

"Well, Kung ayos na talaga sayo ang pagbalik then let's go? Baka malate tayo sa flight natin," aniya.

Sinuot ko naman ang sumbrero at ang salamin ko para walang makakilala sakin. Actually, This is the first time na nag-disguise ako kasi usually sunglass lang pero gusto kasi ni Adrianna ay maging surprise ang pagbalik ko ng pilipinas pansamantala.

Two days from now will be my first fashion show in the philippines and that will be my grand entrance na nasa pilipinas na ako.

Buong flight ay natulog nalang ako habang nakasandal sa balikat ni Chad. Ang alam ko alam na ng fam nila na babalik na sila ng pilipinas.

"Hala? Finally, Nasa pilipinas na uli tayo!!" masayang wika ni Mizy.

Hinatak ko naman ang damit niya ng kaonti saka sinaway. "Mizy, Lower down your voice. Remember, I'm with you and ayaw pang ipaalam ni Adrianna na nandito na ako,"

"I'm sorry," aniya.

Ngumiti nalang ako sa kanya. Naramdaman ko naman ang kamay ni Adrianna sa kamay ko papasok ng taxi.

"Did you miss the philippines?" tanong ni Adrianna habang nasa byahe.

Kinagat ko ang ibabang labi ko saka tinignan ang tanawin. "I don't know Adrianna... Since I don't have any plan coming back here. I just missed my Mom, My biological Mom!"

"Kung hindi mo mamasamain Shein, Where's your Mom? Your Fam? Since I met you and became my model, You never mentioned them. Or they never called you," usisa ni Adrianna.

"Adrianna, My biolegical Mom is already dead..."

Nanlaki naman ang kanyang mata saka humingi ng paumanhin. Ngumiti nalang ako sa kanya ng tipid.

Three years had passed since I knew about my real Mom but until now, Its make me sad that I never met her. That I don't have chance to be with her even in a shorten time.

"And your Fam?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Maybe they're okay... We're really not in a good terms,"

Naintindihan naman agad ni Adrianna ang ibig sabihin ko kaya hindi na uli siya kumibo.

Pagdating namin sa condo ko ay nagpaalam na rin si Adrianna na uuwi muna rin sa kanyang condo para makapagpahinga kami.

"Bukas nalang tayo mag-grocery. Idlip muna tayo," ani Chad. "Hindi ka pwedeng sumama 'no Babe?"

Tumango ako sa kanya. Habang hindi pa nalalaman sa pilipinas ay hindi muna ako makakalabas labas ng condo. Gusto ko nga sana dalawin ang Mommy ko sa Montalban kaso baka may makakita naman sakin.

"Two days ka lang dito sa condo? Boring yan," ani Ayi.

Tumawa ako sa sinabi ni Ayi pero may point naman kasi talaga pero wala akong magagawa.

"Kayo, Kailan niyo dadalawin ang family niyo?" tanong ko.

"Maybe, Bukas nalang siguro?" ani Chad.

Tumango-tango naman ako saka nagpaalam na magpapahinga muna ako. Pagpasok ko sa room ko ay agad akong humilata sa kama ko.

The feeling of being here again in the philippines.  The place were I suffered a lot.

One thing I promised, I am not Avianna that they used to know. When I left this country, I already stop being that woman who knows nothing just to pleased other people.

Kinabukasan,

Paggising ko ay wala na ang tatlong kaibigan kong kaibigan. Siguro dumalaw na sila sa mga family nila.

Napabuntong-hininga nalang ako. What to do? Next two days pa ang fashion show that means bawal akong lumabas ng condo unit ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Adrianna.

[Hello Shein, What do you need?] wika niya sa kabilang linya.

"Can I go out?"

Nag-aalangan pa ako kung itutuloy ko ang sasabihin ko. Knowing Adrianna? He'll hysterical.

[Where do you plan to go?] aniya.

"Mall? I just got bored Adrianna..." Kinagat ko yung ibabang labi ko saka lumabas sa terraces.

Hindi naman nagsalita si Adrianna kaya tinignan ko ang cellphone ko pero ongoing pa naman ang call.

[You know Shein that I won't let you right? Ayokong malaman ng mga tao na nasa pilipinas kana,]

Napabuntong-hininga nalang ako. "Mag-iingat naman ako e. And besides, Mag-disguise ako para walang makakilala sakin,"

[Don't test my patiences Avianna Shein! My answer is no. You'll wait for the fashion show before you go out your condo.]

Napairap nalang ako. Once Adrianna used that voice, One thing for sure is no one can changer his decision.

Nagpaalam nalang ako saka inubos ang buong maghapon sa panunuod ng netflix. Napalingon lang ako ng bumukas ang pinto ng condo ko.

"Hi Babe!" bati ni Chad.

Ngumiti ako sa kanila. "Bakit hindi ka pa  natulog  sa family mo?"

"Hindi naman kita pwedeng pabayaan dito Babe." Pabagsak na umupo si Chad sa upuan na nasa harapan ko.

Ngumisi naman ako kaya sinamaan ako ng tingin ni Chad.

"What's that smile Shein?"

Humalakhak naman ako kaya mas lalo niya akong sinamaan ng tingin.

"Kung hindi lang kita kilala Chad, Iisipin kong gusto mo ako. Or baka naman crush mo ako?" ngisi ko.

Tinaas naman ni Chad ang middle finger niya kaya mas lalo akong natawa sa itsura niya. Halata mo kasi sa kanya ang pandidiri sa sinabi ko.

"Alam mo Shein, Alam kong lonely ka dito dahil hindi ka makalabas pero wag mong palawakin yang isipan mo dahil type ko din ang type mo," aniya.

Napailing nalang ako sa kanya. "Sila Ayi ba hindi na uuwi?"

"Hindi raw muna kaya ako muna ang kasama mo,"

Ayos lang naman sakin dahil syempre alam kong may pamilya din sila kaya ayoko na sanang maging abala sa kanila pero alam ko naman si Chad e. Hindi niya ako hahayaan ng basta-basta.

"Baka naman pagsamantalahan mo ako?" pang-aasar ko.

Tumayo si Chad saka padabog na binaba ang baso sa harap ko. "Stop being delusional Babe. It won't happen,"

Humalakhak nalang ako hangang sa saraduhan niya ako ng pinto ng kwarto niya.

Hinugasan ko nalang ang pinagkainan ko saka pumasok sa kwarto ko at ginawa ang skincare routine ko.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon