Dalawang buwan na ang lumipas mula ng welcome party ni Daddy at masasabi kong nakatulong yun para maging close si Daddy sa mga kaibigan ko lalo na kay Elijah.
Si Kuya Aidon nanatili narin sa bahay dahil gusto ni Daddy magkakasama kami sa iisang bubong.
Habang kumakain kami nila Daddy ay naalala kong bukas na ang laban na sa university ni Ate. Hindi ko sinasabi sa kanila pero gusto ko sana nandon si Daddy para sakin kasi alam ko si Mommy ay pupunta for Ate Monica.
"Dad, Are you busy tom?" tanong ko.
"Hmm... Why?"
Kinagat ko yung ibabang labi ko saka sinulyapan saglit sila Ate. "Naging representative kasi ako sa university para sa isang laban baka pwedeng pumunta ka?"
Nag-iisip si Daddy habang kumakain ng sumingit si Ate Monica.
"Dad you promised me already that you'll go with me right? Quizbee namin bukas," singgit ni Ate Monica.
Mas lalo namang nahirapan si Daddy dahil sa pagsinggit ni Ate kaya bumuntong-hininga nalang ako.
Tumingin naman si Daddy sakin saka ngumiti ng tipid. "Pasensya na Avianna ha? Nauna na kasing nagsabi ang Ate mo eh,"
Ineexpect ko na ako ang pipiliin ni Daddy since si Mommy ay sasama kay Ate Monica pero hindi pala si Ate padin ang pipiliin niya.
"I'll go with you Avi," malamig na wika ni Kuya Aidon.
Nilingon ko naman siya na ang sama ng titig kela Ate Monica. "Wag na Kuya... You're busy,"
"I can cancell all my meetings kahit gaano pa ka-importante yan para sayo Avianna kaya ako ang pupunta para sayo," aniya.
Ngumiti ako sa kanya ng tipid at tumango. Hangang matapos ako sa pagkain ay hindi na ako nagsalita.
Nagpaalam nalang ako sa kanilang magpapahinga na ako para bukas. Pero ang totoo ayoko lang manatili sa baba.
Dad is always like that. He always choose Ate Monica then He'll give me a gift para lang mapatawad ko siya.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa pag-iisip. Nagising lang ako sa alog ni Kuya Aidon.
"Gising na baby sis. Baka malate na tayo," aniya.
Tumayo naman agad ako ng maalala kong ngayon na ang laban namin. Nag-ayos naman agad ako at kumain ng mabilis. Saktong dumating ang mga kaibigan ko ay paalis na dapat kami ni Kuya Aidon.
"Kay Kuya Aidon ako sasabay," ani ko.
Ngumiti naman sila saka tumango sakin.
"Kuya Aidon, Sa school po tayo ni Ate Monica," ani ko.
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Why?"
"Isa kami sa kalaban sa quizbee ni Ate Monica Kuya. Hindi ko sinasabi kasi alam kong magagalit si Ate Monica," paliwanag ko.
"I tried to reject but my Profesor doesn't agreed," dagdag ko.
"Kaya ba hindi mo pinilit si Dad na samahan ka kasi alam mo nandon kadin?" aniya habang nagmamaneho.
Umiling ako. "Hindi ko pinilit Kuya kasi alam ko kahit anong gawin ko mas priority niya padin si Ate Monica,"
"Avi..."
Ngumiti ako pero alam kong hindi genuine. "That's fine. Matagal ko ng napapansin Kuya... Hayaan nanatin,"
Nakita ko sa mga mata niya ang awa laya iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Hindi narin naman siya nagsalita hangang sa makarating kami sa university ni Ate.
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
Narrativa generaleIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...