Everytime may shoot ako ay hindi ko maiwasang mailang kela Noe at Tatianna pero syempre kailangan maging professional. Modelo ako at ayokong madisappoint si Ms. Heidi at Adrianna.
Nililigpit ko na ang gamit ko dahil tapos na ako sa shoot ko ngayon.
"Thank you Rose and Elaine for this day." Nakangiti kong wika sa kanila.
"Wala po yun Ms. Shein. It's part of our job," ani Elaine.
Nagpaalam na ako sa lahat ng tao sa studio bago lumabas. Buti naman nag-aantay na sakin si Chad masama kasi talaga ang pakiramdam ko.
"Babe, Are you okay?" tanong ni Chad pagkasakay ko sa sasakyan niya.
Tumango ako habang sinusuot ang seatbelt. "Medyo pagod lang ako,"
"Gusto mo bang iuwi na kita sa condo? Sabihin ko nalang kela Ayi na----"
Nilingon ko na siya bago niya pa matapos ang sinasabi niya saka inilingan.
"I'm fine Chad. Ang tagal nanating hindi nakakain sa labas na magkakasama e," ani ko.
Wala namang nagawa si Chad kundi ideretso sa restaurant nila ang sasakyan. Humalik ako kay Ayi at Mizy pagdating namin sa restaurant nila.
"Ang ganda na talaga ng branch niyo sa pinas. Sa picture ko lang nakikita 'to," nakangiti kong wika.
"Of course... Alagang Chad e." Kindat ni Ayi kay Chad.
Napailing nalang ako sa kanila. Chad loves his passion kaya sobrang alaga niya ang branches ng restaurant nila kaya hindi naman nakakagulat kung bakit madami na silang branch.
"Mabuti naman wala masyadong nakakakilala sayo dito," ani Mizy habang kumakain.
Ngumiti ako sa kanya. "Hindi naman kasi talaga ako ganon kasikat. Madami ding model diyan bukod sakin,"
"We?" ngisi ni Ayi.
Natawa nalang ako sa kaniya. Natigil lang ako ng matanaw ko si Ate Monica na pumasok na may kasamang ilang babae.
"Your sister is here," ani Ayi.
Nginitian ko nalang sila saka nilingon uli si Ate Monica pero nagulat nalang ako ng makita kong nakatingin narin siya sakin. Ngumisi siya saka naglakad papalapit sakin.
"Avianna," tawag ni Ate Monica. "You're here!"
Ngumiti ako sa kanya. "Obviously!"
Nung lumapit sila saka ko lang narealize na ang mga kaibigan niya nung college ang mga kasama niya.
"It's looks like you are not busy huh? O baka naman nawawalan ka nang ganap kasi sawa na sila sayo inshort laos. Laspag,"
Tumayo ako saka kinagat ang ibabang labi ko. "That will never happened Ate. Alam nating lahat na madaming may gusto sakin bilang modelo. Even your fiance right? Kaya ka nga iniwan diba?"
Susugod sana siya sakin pero hinawakan siya sa braso ng isa sa mga kaibigan niya.
"Monica, Stop it... Madaming tao dito," saway sa kanya.
Sabi ko na nga ba hindi nagbago si Ate Monica e. Hindi ko alam kung kaplastikan lang ba ang ginawa niya that time.
Ngumiti naman ako sa kaibigan niya. "Bakit hindi mo gayahin ang kaibigan mo Ate? Mabait. May delikadesa at my hiya sa katawan,"
"Ako pa ang dapat mahiya? Sino ba ang nang-agaw ng asawa?" madiing wika ni Ate Monica.
Umirap naman ako kay Ate Monica. "Correction Ate, He's not your husband... You know what, You should be thankful to me. If it's not about me baka ikasal ka pa sa lalaking manloloko. I just saved you from pain!"
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...