Kabanata 32:

38 1 0
                                    

Tahimik lang ako at patuloy sa pag-iyak hangang sa makarating kami sa bahay.

Pagpasok namin sa sala ay agad na humarap si Daddy sakin saka ako sinampal.

"Dad!" malakas na wika ni Kuya Aidon saka hinarang ang sarili sa harapan ko. "Please, Don't hurt her. Not my sister Dad,"

"Wag kang makielam dito Aidon! I let you spoiled her but not this time!" malamig na wika ni Daddy.

Eversince Kuya Aidon always protect from everything even to our family. I don't want this. I don't want him to be involved with this.

Tinulak ko si Kuya Aidon paalis sa harapan ko saka siya inilingan.

"D-Dad I'm sorry... I-I really don't know what happened... I swear, Basta naglalakad ako palabas para mag-abang ng taxi. Tapos...."

Pinilit kong alalahanin ang nangyari. Gusto kong maalala kung totoo ba ang lahat ng ito.

"T-Tapos biglang may nagtakip ng bibig ko tapos eto na, Nandon na ako Dad. Please, Believe me," hagulgol ko.

"That's imposible Avi. Ano yun paggising mo may nangyari na sainyo ni Patrick? Ni hindi ka nagising sa halikan niyo?" mapaklang wika ni Ate Monica.

Sinamaan siya ng tingin ni Kuya Aidon. "Shut your fucking mouth Monica!"

"What?! I'm just telling my opinion... I love Patrick you know that Avi, Of all people bakit si Patrick pa?" nakasimangot niyang wika.

Sumigaw naman si Daddy para tumigil si Ate Monica. Inabot ko naman ang kamay ni Daddy pero tinabig niya din ang kamay ko.

"You told me to believe you. To trust you Avianna but what did you do? I saw you with that man?! Akala ko si Elijah ang lalaking gagawa sayo 'non pero mas malala pa, Ibang lalaki? San ako nagkulang Avi ha?" umiiyak na wika ni Daddy sakin.

Umiling ako kay Daddy. "P-Please, Nagmamakaawa ako sayo Daddy... Maniwala ka naman sakin oh? H-Hindi ko alam... Hindi ko alam,"

"Napakababoy mo!" malakas na sigaw ni Daddy.

Sa sinabi ni Daddy ay parang nawalan ako ng lakas para ipagtanggol ang sarili ko.

"Tama na po please Dad..." singgit ni Kuya Aidon.

Malamig akong tinignan ni Daddy saka napailing. "Umakyat kana sa kwarto mo!"

Aalalayan na sana ako ni Kuya Aidon paakyat pero tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at inilingan.

"K-Kaya kong mag-isa Kuya... N-Nasanay na akong mag-isa eversince kaya kaya ko 'to,"

Hindi ko alam kung paano ko nagawang umakyat sa kwarto ko na hindi natutumba. Kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan si Elijah pero kahit nakailang ulit na ako ng tawag ay hindi niya sinagot ang mga tawag ko.

Maybe, He just want space and time. This isn't easy.

Ilang beses kong kinuskos ang sarili ko baka sakaling mabura ang nangyare sakin. Kahit anong pilit ko hindi ko talaga maalala kung may nangyari sakin. Samin ni Patrick.

Kung nandidiri sila sakin dahil sa nangyari. Pwes, Pinandidirihan ko din ang sarili ko. Nandidiri din ako.

Kinabukasan,

Kahit wala akong gana. Kahit hindi maganda pakiramdam ko ay pinilit kong tumayo para pumasok sa trabaho.

Baka ngayon kausapin na ako nila Tati at Noe. Pagbaba ko sa hagdanan ay naabutan ko si Ate Monica na nasa sala habang nakade kwatro.

"Oh, Avi... How are you? How's your feeling?" nakangisi niyang wika. "Maybe, Masaya ang gising mo 'no? Ikaw ba naman matikman si Patrick e. Masarap ba si Patrick? Magaling ba sa kama?"

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon