Kabanata 51:

159 3 0
                                        

Dalawang linggo na ang lumipas mula noon ay nakausap ko narin si Adrianna tungkol sa pag-alis ko. Naintindihan niya naman ako kaya sinabi niyang ayusin muna namin ang commitments namin.

Sabihin niyo ng duwag ako dahil tatakbuhan ko nanaman ang problema ko pero wala na akong pakialam.

"Ms. Shein, May bisita ka po." Nakangiting wika ni Elaine.

Ngumiti naman ako sa kanya mula sa salamin saka tinanong kung sino at nanlaki naman ang mata ko ng makita kong pumasok si Elijah na may dalang boquet of roses.

Tumingin naman ako sa dalawang nag-aayos sakin na nakangiti at halata mong kinikilig. Ngumiti nalang ako ng tipid sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Nagpaalam naman sila Elaine sakin nung matapos na silang ayusan ako.

Inabot niya sakin yung hawak niyang bulaklak. "Para sayo,"

Tinignan ko naman ang bulaklak na hawak niya. "What do you need? Bakit mo ako sinusuhulan?"

Nawala naman ang pagkakangiti niya sa sinabi ko.

"I want to make it right everything. If it's not Patrick for sure you're still mine," aniya.

Bumuntong-hininga ako. "Really? You'll blame Patrick everything? Why don't you blame yourself for not trusting me enough!"

Tumikhim si Elijah saka tumingin sa mga mata ko. "Liligawan ulit kita. Papatunayan kong deserve mo padin ako... I will pursue you with all my heart."

Natawa nalang ako sa sinabi niya. That is the same sentence that he told to my father pero wala ding nangyari.

"No need Elijah dahil ngayon palang bina-busted na kita. Ganyang-ganyan ang sinabi mo sakin three years ago e. But guess what Elijah, I won't believe you. I won't believe to your fucking promises,"

"Hindi ako papayag na dito lang tayo matatapos Via," madiin niyang wika.

Ngumisi naman ako sa kanya. "At hindi rin ako papayag na makapasok ka pa sa buhay ko Elijah!"

Hindi naman na siya nakapagsalita ng biglang pumasok si Adrianna at Ms. Heidi.

"Shein, Pinapasok ko na si Elijah kasi alam ko namang kaibigan mo siya," ani Adrianna.

Hinampas naman ni Ms. Heidi si Adrianna habang tumatawa. "Kaibigan ka diyan. Halata namang may gusto yang lalaki sa alaga mo,"

Bumuntong-hininga ako saka sinimaan ng tingin si Elijah. "Hindi ko po siya manliligaw. Baka naligaw pwede pa,"

Wala naman akong nagawa kundi tanggapin yung bulaklak saka nilapag sa gilid ko. Saktong dating ng makakasama ko sa shoot ngayon.

"Lalaki ang kasama mo sa shoot?" gulat na wika ni Elijah.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "So what?"

Bago pa siya makasagot sakin ay sumigaw na si Adrianna mula sa labas.

"Shein, Let's start!" sigaw ni Adrianna.

Mula ng magsimula kami sa shoot ay nakatingin lang si Elijah sakin. Parang binabantayan ang kilos ko.

"Shein, Tingin ka kaonti sa camera tapos Sir Andy ilapit mo konti yung mukha mo sa leeg ni Ms. Shein," wika ni Noe.

Shein ang tawag nila sakin kapag nasa studio kami.

Susundin nanamin yung sinabi ni Noe ng biglang sumigaw si Elijah.

"What the fucking hell Noe! Did you really suggest that?!" madiing sigaw ni Elijah.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon