Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng makasama ko sila Noe at Tatianna sa studio. Kapag may shoot ako ay hindi ko nalang sila pinapansin.
Ginagawa ko nalang ang trabaho ko bilang modelo. Hindi ko alam kung nabanggit na ba nila sa tatlong boys ang tungkol sakin pero wala naman akong pakialam doon.
"So, Yung magiging shoot ko ay sa boracay?" tanong ko kay Ms. Heidi.
Tumango naman si Ms. Heidi sakin. "Ang imomodel mo kasi Ms. Shein ay ang two piece nila Mrs. Villain, If that's okay with you?"
Ngumiti naman ako sa kanila. "That's okay Ms. Heidi... Sa ibang bansa palang nagmomodel na ako ng two piece diba Adrianna?"
Sumang-ayon naman si Adrianna agad sakin saka hinawakan ako sa balikat.
"Pwede ko bang isama ang mga kaibigan ko? Hindi lang naman tayo mag-shoot don diba?"
"Of course... Pwede ka din naman magsaya don after ng shoot," nakangiti niyang wika saka nilingon sila Tati. "Noe, Pwede rin kayo magsama ng kaibigan niyo,"
Napalingon naman ako sa sinabi ni Ms. Heidi sa dalawa. Gusto ko man umalma kaso hindi naman ako nagset non and besides si Mrs. Villain ang rason kung bakit kami puounta doon.
Naramdaman ko naman ang tingin nlang dalawa pero nanatili lang akong nakatingin sa cellphone ko. Actually, I'm texting Chad. He promised me that he'll pick me here.
Pagkatapos namin pag-usapan ang pagpunta namin sa boracay bukas ng gabi ay sinabihan na rin ako ni Adrianna na pwede na akong umuwi.
"Adrianna, Mauna na ako ha? Nasa labas na kasi si Chad e. Ingat----ayyy!" Napatili ako ng mabanga ako sa bulto ng katawan.
Kung hindi ako nahawakan nung nakabanga sakin siguradong nakasalampak na ako ngayon sa sahig.
Nilingon ko naman yung nakahawak sa baywang ko ngayon. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ko kung sino ang nakabangga ko.
"Avi?" aniya.
Agad ko naman siyang tinulak palayo sakin na kinagulat niya.
"Aziel!" tawag nila Noe.
Bakit sila nandito? I mean, I know that they are here because of Noe and Tati pero nananadya ba talaga sila para papuntahin ang mga ito?
Nilingon ko naman ang dalawang kasama ni Aziel at doon ko nakita si Anwyll at Elijah na gulat na gulat din na makita ako.
"Dito ka nagwowork?" gulat na wika ni Aziel. "I know that you are model but wala akong idea na dito ang studio mo,"
Pilit ko namang pinatigas ang expression ko saka nagkibit-balikat sa kanila.
"Pasensya na kung nabangga kita. Hindi kasi ako nakatingin sa daanan ko e," malamig kong wika. "Excuse me!"
Pagkatapos kong sabihin yunay tinalikuran ko na sila saka dumiretso palabas ng studio. Nabitawan ko lang ang hininga ko ng makalabas na ako.
Buti naman dahil hindi nila ako sinundan but I think I'm dreaming because I know they won't make it.
Paglabas ko ay naabutan ko si Chad na nakasandal sa sasakyan habang nakatingin sa kanyang cellphone.
Napatigil nalang ako ng marinig ko ang boses mula sa likuran ko. Napatingin naman si Chad samin saka naglakad palapit sakin.
"Avianna, Hinabol ko lang ito. Nahulog mo kasi e." Pakita niya ng cellphone ko.
Ngumiti naman ako saka inabot ang cellphone ko. "Salamat sa pagbigay Aziel,"
"Babe?" wika ni Chad mula sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...