Kabanata 41:

141 3 0
                                        


I don't know how to react when I saw them. Of all people na pwedeng maging photographer, Bakit sila pa?

"Ms. Shein, I would love to introduce to you Ms. Noe and Ms. Tati... They're the owner of Potrait photography service," aniya. "I don't know if you're familiar with that company but they known as the best service in photography,"

Kung ako nagulat na makita silang dalawa dito. Mas lalo naman silang nagulat na makita din ako.

"Ms. Noe and Ms. Tati, Maybe you know her already right? She's Ms. SD the new face of LV clothing line... Ang sikat na model sa Hongkong," wika ni Ms. Heidi.

Pinilit kong ayusin ang expression ko. Ayokong ipakita sa kanila na issue pa sila kung makatrabaho ko sila. I am professional!

"Shein,  Do you know them? Mukhang gulat na gulat ka?" singgit ni Adrianna.

Umiling ako. "They're just my classmate nung college,"

Namilog naman ang mga bibig ni Adrianna at Ms. Heidi na hindi makapaniwala na magkakilala pala kami.

"Small world huh?" ngisi ni Ms. Heidi.

Tumingin naman ako sa dalawang dati kong kaibigan saka ngumisi. "It is! It really small world Ms. Heidi... Sino ba makakapagsabi na dito ko pa sila makikita ulit,"

Nilahad ko ang kamay ko sa harap nila. I told you, I am professional.

"Nice to see you again Noe and Tatianna," nakangisi kong wika.

Nagkatinginan muna sila bago tinanggap ang kamay ko. Kung inaakala nila na ako padin ang Avianna na nakilala nila? Pwes, Nagkakamali sila. Dahil hindi ko hahayaang magkaroon pa kami ng connection.

Eto? Trabaho lang ito at hangang dito nalang ito. Nothing more, Nothing less.

Nagsimula na rin kami sa pag-shoot. At kahit sila pa ang photographer ko, Hindi naman ako nahirapang mag-pose.

"Nice shot!" wika ni Ms. Heidi. "Hindi talaga nagkamali si Mrs. Villain na ligawan ka para maging bagong mukha,"

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Salamat po Ms. Heidi. Masyado niyo naman pong pinapalaki ang ulo ko,"

"Well, Deserve mo naman ang lahat ng papuri na matatanggap mo mula sa ibang tao e,"

Ngumiti nalang ako saka nilingon si Adrianna. "May gagawin pa ba? Kung wala na kasi uuwi na ako? I'm still tired from the fashion show yesterday,"

Hinaplos naman ni Adrianna ang braso ko saka nginitian. "You can go home Shein... Thank you for coming,"

Pumasok na ako sa loob ng kwarto na pinag-ayusan sakin nila Rose at Elaine. Agad naman akong napaupo sa harap ng salamin pagkapasok ko.

Shein, Stop it! You're not the same person. You are Shein and no one can belittle you. You don't care about them anymore right?

Hangang sa makarating ako sa condo unit ay wala padin akong kibo. Bumuntong-hininga nalang ako saka tumambay sa terrace ng condo namin.

Nag-yoyosi lang ako habang nakasandal sa terraces namin.

"Baka naman mamatay ka niyan sa kaka-yosi?" ani Ayi.

Napalingon ako kay Ayi na nakasandal sa glass door.

"Kanina ka paba?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Sobrang busy ka sa pagsisigarilyo na hindi mo na napansin na nakarating na ako,"

"Tapos ka na sa shoot?" dagdag niyang wika.

Tumango naman ako saka humithit uli sa sigarilyo kong hawak.

"What happen?"

Bumuntong-hininga ako saka umiwas ng tinign. "I saw them.... My old friends? They're the photographers,"

"Is it okay to you?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko saka tinapon ang sigarilyo sa ashtray.

"Hindi mo ba pwedeng kausapin si Adrianna about diyan?" tanong niya uli.

Umiling ako. "Trabaho lang 'to Ayi. Modelo ako and I need to be professional,"

"Ang tanong kasi Shein ay kung kaya mo bang makahalubilo pa sila? Who knows kung sila lang ba ang makikita mo. Pano kung pati yung ex mo? What will you do?"

What will I do if I saw Elijah again after three years? Alam ko naman dadating yung time na makikita ko uli yung mga tao sa nakaraan ko pero diko naman akalain na ganito kabilis agad.

Pero alam kong kaya ko na. Hindi na ako si Avianna na marupok. Tapos na ako sa ganon. I moved on already.

"I can Ayi. I'll prove to you that I can work with them... I am professional and this is all work related," ani ko.

Hinwakan niya ang balikat ko saka ngumiti. "That's my girl!"

Hinatak ko na siya papasok at inaya na magluto para kapag dumating sila Chad ay sabay-sabay na kaming maghahapunan. Napag-usapan din naming manunuod kami sa netflix ngayong gabi.

"Wow... Nag-bonding ang dalawa sa kusina," halakhak ni Chad.

Nakarating na pala sila Mizy mula sa kanilang restaurant.

"Anong food natin?" tanong ni Mizy saka sinilip ang niluluto namin ni Ayi. "Our all time favorite... Kare-kare,"

"Upo na kayo diyan. Tapos na ito... Hayaan niyo kaming pagsilbihan namin kayo ni Ayi ngayong gabi," wika ko.

Kumuha nang plato si Ayi para samin saka inabutan ako ng mangkok para sa paglalagyan ng kare-kare.

Sila ang nagturo sakin magluto kasi kahit nasa Hongkong ako ay puro fastfood ang kinakain namin kaya naisipan nilang turuan ako.

"Kumusta pala ang shoot mo babe?" tanong ni Chad habang sumusubo ng pagkain.

Ayaw ko mang pag-usapan pa ang nangyari pero syempre ayoko namag iskreto sa kanila yung bagay na yun.

"Ang photographer ng studio ay yung mga dati kong kaibigan..." panimula ko.

Bigla namang nasamid si Chad kaya agad siyang inabutan ng tubig ni Ayi.

"Do you mean you saw your old friends?" ulit na tanong ni Mizy.

Napailing nalang ako kasi lumalabas nanaman ang pagiging slow ni Mizy.

"Hmm..."

Tinignan ako sa mata ni Chad. Mahahalata mo sa kanyang nag-aalala siya sakin.

"Are you okay? What happened?" sunod-sunod niyang tanong.

Nagkibit-balikat naman ako. "Well, Katulad ng sinabi ko sainyo. Ayoko na magkaron ng kahit anong connection sa kanila pero wala e... Okay naman. It's part of being model. I am professional model, That's all!"

"Anong sinabi nila ng makita ka nila? Nagulat ba sila?"

Natawa naman ako sa kanila. Sino ba ang hindi magugulat?

"Wala naman... Hindi naman kami nag-usap. Pero alam ni Adrianna na classmate ko sila,"

"Classmate?" sabay na tanong nila Mizy.

Kibit-balikat ako sa kanila saka sumubo bago sumagot sa kanila. "Nahalata kasi ni Adrianna na may something samin kaya sinabi kong classmate ko sila... That's a better and safe answer than saying that they're my ex friends right?"

Sumang-ayon naman sila sakin. Iniba na ni Ayi ang usapan dahil nahalata niyang ayoko ng pag-usapan pa ang nangyari.

Hangang sa manuod kami ay hindi na ulit na-open ang nangyari kanina. Siguro ayaw na din nilang pag-usapan pa dahil sakin.

Nakasandal lang ang ulo ko kay Chad habang nanunuod hangang sa namalayan ko nalang na napapapikit na ako.

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon