Kabanata 11:

125 4 0
                                        

"Sigurado ka po bang wala kang importanteg gagawin Kuya?" tanong ko.

Kanina ko pa kasi siya nakikitang tumitingin sa kanyang cellphone. Syempre kung may kailangan siyang gawin ay maiintindihan ko kung kailangan niyang umalis.

""I understand if you need to leave Kuya..."dagdag ko.

Ngumiti siya sakin. "I'm waiting for Dad's call,"

Nagkibit-balikat nalang ako. I don't want to assume anymore. Mas masakit kapag umaasa tayo sa bagay na alam nating malabong mangyari.

"Eto na ang order natin," masayang wika ni Aziel.

"Akala mo talaga siya ang lumaban kanina oh? Mas gutom na gutom," pang-aasar ni Tati.

"Hoy! Nakakapagod kayang mag-cheer,"

Ngumisi naman si Tati. "Sino ba may sabing i-cheer mo kami? Kahit wala ka may sisigaw para samin,"

Inilingan nalang namin sila. Para nanamang mga aso't pusa ang dalawa.

"Akin na. Ako na ang babalat ng crabs mo," ani Elijah.

"No... Kaya ko na Elijah,"

Ngumiti siya saka sinimulan ang pagbabalat kahit kinukuha ko sana sa kanya ang crab.

"Gusto kong ako ang magbalat para dika na makalatan,"

Humalakhak naman si Anwyll. "Patay na patay ka Elijah!"

"Hindi rin." Kibit-balikat niya. "Gusto ko lang siya pagsilbihan,"

Kahit ayokong si Elijah ang gumagawa ay hinayaan ko nalang siya dahil kahit anong agaw ko sa kanya ay hindi niya din naman binibigay sakin.

"Thank you Elijah," nakangiting wika ko.

Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Tita Elisse.

"Sigurado ako na sobrang proud sayo ang magulang mo Via," ani Tita Elissa tapos nilingon niya si Tati. "Pati Ikaw Tati. Sobrang tatalino niyo,"

"That's true Tita... Pero sa case ni Via? I don't think so," ngisi ni Tati.

Eto talagang si Tatiana kahit kailan hindi mapigilan ang bunganga.

"Huh? What do you mean?" naguguluhang tanong ni Tita Elisse.

"That's nothing Mom..." ani Noe.

Bigla namang nagsalita si Elijah sa gilid ko. "Tati, Wag mong simulan. You're destroying the mood,"

Nagkibit-balikat nalang si Tatiana. Kahit namangl ganyan si Tati ay mahal ko yan eh at alam kong mahal niya din kami sadyang ayaw niya lang may na-aagrabyado samin.

"Tita, Tito... Mauna na po kaming umuwi ni Kuya Aidon. Thanks for the treat po." Lumapit ako sa kanila saka humalik sa pisngi pati narin sa mga kaibigan ko.

"Ingat kayo... See you tom!" paalam ko sa mga kaibigan ko.

Lumapit naman sakin si Elijah saka hinalikan sa pisngi. Tinulak ko siya ng bahagya ng tumikhim si Kuya Aidon.

"Text me, Okay?" ngisi niya.

Naiiling nalang ako sa kapilyuhan niya. Habang nasa byahe kami ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Ano kayang sasabihin nila sakin? Is Daddy happy since I won?

"I like Tati," ani Kuya Aidon.

Napalingon ako sa kanya habang nanlalaki ng mata. "You like who?"

Humalakhak si Kuya saka pinitik ang noo ko.

"Ouch!" Hawak ko sa noo ko. "You like my bestfriend? Oh, She's single Kuya... It's-----"

The Rare IncomparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon