After two days.
Hindi na kami ulit nag-usap ni Elijah pagkatapos ng mangyari habang si Ate Monica ay nakaleave sa trabaho para asikasuhin ang kasal nila ni Kuya Braxton.
Hindi ko alam kung itutuloy pa ba ni Kuya Braxton ang kasal nila knowing na kinausap niya ako kahapon at sinasabi niyang magtanan nalang kami at ako ang gusto niya.
Napalingon nalang kami nila ni Ayi ng pumasok si Ate Monica at Kuya Braxton na nagtatalo.
"Braxton, Ano ba kausapin mo nga ako!" inis na wika ni Ate Monica.
Tinignan naman ako saglit ni Kuya Braxton bago hinarap si Ate Monica. "Pwede ba Monica, Pagod nga lang ako!"
"Hindi! Ano may babae ka? May babae ka nanaman?! Niloloko mo nanaman ba ako? Braxton naman, Ikakasal na tayo pero bakit lolokohin mo pa din ako?"
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. So, This is not the first time na may makahalikan si Kuya Braxton kahit in relationship padin sila ni Ate?
Nakita ko naman si Daddy at Mommy na nasa hagdanan na parang kabababa lang.
Napailing nalang si Kuya Braxton saka dumiretso sa kwarto nila ni Ate Monica. Nagkibit-balikat nalang kami habang si Daddy ay naupo sa pwesto nila Kuya Aidon.
Si Mommy naman ay nagpunta sa kusina.
"Known as playboy naman pala yung fiance ng halfsister mo kaya bumigay agad sayo," bulong ni Chad sakin.
Napailing nalang ako sa kaniya saka nanuod ng video sa cellphone ko. Maya-maya ay naririnig ko nanaman sila Ate Monica at Kuya Braxton na nagtatalo naman habang pababa ng hagdanan.
"Hayop ka Braxton! Pano mo nagawa sakin 'to ha?!" sigaw ni Ate Monica.
Hindi padin ba sila tapos? Jusko. Baka naman kasi make up sex nalang ang kulang niyan.
"Monica, Tumigil na nga kayo!" saway ni Daddy.
Umiling si Ate Monica saka tinuro ako. "No Dad. Ang patigilin mo dito ay yang anak mong si Shein!"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Why me? Nag-aaway kayo tapos pati ako pepestehin mo."
Susugurin niya sana ako pero humarang agad si Braxton sa gitna namin at pilit siyang hinahawakan.
"Monica!" saway ni Daddy.
Kung may alam na siya sa nangyari samin ni Braxton? Then good para naman matapos na ako diba?
"D-Dad, Simula nung dumating yang anak niyo may nagiba na kay Braxton pero hinayaan ko. Hindi ko yun binigyan ng pansin pero alam mo kung anong nakita ko Dad?" hagulgol ni Ate Monica.
Ang sama ng tingin sakin ni Ate Monica habang hawak-hawak siya ni Braxton.
"Pinanuod ko ngayon ang buong cctv camera ng lahat ng bahay natin at nakita ko ang fiance ko at ang magaling mong anak na naghahalikan!" sigaw ni Ate Monica.
Nanlaki naman ang mata nilang lahat pwera kay Chad at Elijah saka nilingon ako pero nakatingin lang ako kay Ate Monica.
"Monica, Ano ba yang sinasabi mo? Avianna won't do that to you. She's yout sister for godsake!" ani Daddy.
Umiling naman si Ate saka pinunasan ang luha sa pisngi niya. "I-I'm not lying Dad... Kung hindi pa dumating si Kuya Aidon baka natuloy na ang pagsesex nila ng fiance ko."
"Avianna, Is that true?" malamig na tanong ni Daddy.
Tumingin ako ako kay Ate Monica saka inirapan siya. Bakit ko pa itatanggi kung alam na pala niya?
BINABASA MO ANG
The Rare Incomparable
General FictionIts easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa ang hahatak sayo pababa. Minsan kung sino pa ang inaakala mong makakapitan mo sa panahon nang kalungk...
