"Papa...." masayang bati ng batang paslit sa kaniyang ama na kakadating lamang."My Sunshine" magiliw din nitong salubong sa anak at agad na ginawaran ng halik sa pisnge at isang mahigpit na yakap.
"Papa, namiss po kita" saad nito habang ang mga kabraso ay nakasampay sa balikat ng ama.
Binuhat siya nito at ngiting ngiting yumakap muli sa ama. Sabay silang pumasok sa loob ng bahay.
"Mama... Andito na si Papa" masayang sigaw nito sa loob ng kanilang munting tahanan.
Lumapit naman ang ina at yumakap din sa bagong dating na asawa..
*****
Nagising ako sa isang panaginip na paulit ulit na namang nag papakita. Kailangan ko na naman pumasok sa trabaho. Kelan ko ba mararanasan ang umising sa umaga na may agahan na sa lamesa. Pero wala eto ako babangon at maghahanda para sa sarili at para kay Mama.
Pag labas ko ng kwarto ay may nakahanda na sa lamesa.
"Ma, diba sabi ko sa inyo ako na. Hindi maganda ang nagpapagod ka" saad ko rito at agad n inagaw ang mga sandok sa mga kamay niya.
"Ngayon lang naman Sunshine" saad nito sa akin. Inalalayan ko siyang makaupo sa upuan at tsaka inihan ang ilang natapos na niyang lutuin.
"Ma, shine lang" saad ko dito. Ayoko ng tinatawag akong Sunshine dahil naaalala ko lang ang tatay ko. He is the only man who loves my name. He told me that I'm the only sunshine that can give a bright for his life. His promises, his useless promises.
Tinuloy ko ang pag titimpla ng kape at tsaka ito ibinigay kay Mama.
"Napaka ganda ng pangalan mo pero ayaw mo"
"Maganda, oo Ma alam ko. Pero ang nagbigay ng pangalan at alaala ay ayoko nang maalala. Walang maganda dun" sabi ko sa kaniya. Alam ko kung gaano siya nasasaktan sa tuwing naririnig niya ang galit sa tatay ko.
"Sabi naman niya anak, babalik siya" napatingil ako sa ginagawa ako at napangisi sa narinig ko. Nilingon ko ang gawi niya at sinagot ang sanabi niya.
"Babalik? Kelan? Pag patay kana? Ma, di na siya babalik. Ikaw na lang ang umaasa na babalik siya. Tignan mo nga yang sarili mo, wala kanang buhok, maputla na ang mga labi mo. Mamatay kana nga lang ay hinihintay mo pa rin siya. Hindi ba pwedeng ako na lang, ako na lang ang manatili sa tabi mo. Kasi Ma, ako hindi kita iiwan. Dito lang ako" may pait na sabi ko sa kaniya habang ang mga luha ay tumutulo.
Nilapitan ko siya at hinawakan ang mukha niya, pinunasan ko ang mga luha sa mata niya.
"I'm sorry, Ma. Wag kana umiyak please. Malalate na ako. Magtatrabaho pa ako para sa pangpapagamot mo"
"Magpahinga kana lang, anak"
"Ma, naman hindi pwedeng ganun. Lahat tayo mamatay pero hindi pa ito ang oras mo hanggat kaya ni Shine mag trabaho ay kakayod ako para mapagamot kita. Okay?" Tumango tango na lang siya bilang sagot sa akin.
Sabay kaming kumain ng agahan at pagkatapos nun ay nag handa na rin ako para pumasok sa trabaho.
Ako si Sunshine Dela Vega, a hardworking woman na gagawin ang lahat para sa pamilya.
******

BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...