Chapter 25

49 2 0
                                    

Today is the day. Ooperahan na si Mama, hindi na ako mapakali sa pag pabalik balik kong lakad.

"Shine, maupo ka muna. Nireready pa lang ng mga doktor ang Mama mo" saad ni Tita Nerissa sa akin. Uminom muna ako ng tubig.

Maya maya pa ay dumaan na si Mama na nakahiga sa ospital bed at pag tapat niya sa amin ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Anak, hintayin ko si Mama ah" sabi niya at nanghihina na.

Pinigilan ko ang sarili kong mapaluha, dahil kailangan kong maging malakas para sa kaniya.

"Lakasan mo loob mo, Mama. Andito lang ako" tumango tango siya sa akin. Bago tuluyang binitawan ang kamay ko.

Hinawakan nmn ni Tita ang balikat ko para pigilan akong sumunod. Sobrang labis ang kaba ko at takot. Wala akong ibang ginawa kundi ang manalangin ng paulit ulit.

Nagpalakad lakad ako at hindi mapakali, ilang oras na ang nakakalipas pero si Mama nada loob pa din ng operating room.

"Shine!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Nakita ko si Anton na naglalakad papalapit sa amin.

"Coffee po.." alok niya kay Tita na seryoso lang siyang tinignan.

"Shine, mag coffee ka muna" lapit niya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. Mga haplos at pesensya na lang ang tanging nakapag pakalma sa akin.

Tumango ako sa kaniya at sinabayan siyang mag lakad pabalik sa waiting area. Binigay niya sakin ang kape, miski sa pag abot nito ay naka alalay siya sa akin.

"Careful, mainit" bakas mo sa boses niya ang sinseridad ng pag-aalala. Napangiti na lang ako sa ganung klase ng akto niya.

Makalipas pa ang ilang sandali ay lumabas na yung ilang mga doktor. Napaayo nmn ako agad at lumapit sa kanila

"Kamusta po ang Mama ko?"

"Successful naman ang operation ng Mama mo, ililipat na lang siya sa kwarto para mas madali niyo siyang mabisita. So, that's for now. I'll go ahead" paalam ng doctor sa amin.

Nanlambot ang tuhod ko at tila nabunutan ng tinik sa dibdib ng malaman kong okay na ang mama ko. Agad akong hinawakan ni Anton at inalalayan maupo.

"Ako na" agad na sabi ni Tita at inagaw ang mga bisig ko kay Anton. Napabitaw na lang ito at hinayaan si Tita na alalayan ako.

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pintuan ng operating room at doon nilabas ang nakahigang si Mama, wala pa itong malay at tila isang mahimbing na natutulog.

Sa pag balik namin sa kwarto kinamusta ko si Mama kahit tulog namn ito. Umaasa akong sasagot siya sa akin.

"Shine, can we talk?" Napalingon ako kay Anton na nakasandal sa pader ng silid na iyon. Umayos siya ng tayo at naglakad palabas ng kwarto. Sinundan ko lang siya at huminto kami malapit sa isang glass wall ng ospital.

"Tungkol saan?"

"Sa trabaho mo, pumasok ka ng maaga bukas. I need to see you in the morning" saad niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Okay po, noted po" saad ko sa kaniya at napayuko na rin.

"Ah, sir Anton. Gusto ko lang din pong mag thankyou sa tulong nyo"

" I told you hindi tulong to. Babayaran mo ako" tumango tango namn ako sa kaniya bilang sagot

"Okayyy po" may mahaba konh puntong sabi sa kaniya. Tsaka siya tinalikuran at bumalik sa kwarto ni Mama.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon