Chapter 30

43 1 0
                                    

Ilang araw matapos ang pangyayari ay dito na ako nanatili sa bahay ko mag-isa. Panay ang tawag niya sa telepono ko ngunit hindi ko naman ito sinasagot. Panay ang punta niya at katok sa pinto pero hindi ko naman pinagbubuksan ito.

Hindi ko kayang harapin siya na ganito ang itsura ko. Sa ilang araw na yun nalaman kong may sakit ako. Sabi nung doktor ko ay lumulobo ang puso ko. Bawal akong mapagod, umiyak, maging masaya ng sobra sobra. Pero hindi ko alam paano ko napagsasabay ang mga iyon ngayon. Sobra ang pag-iyak ko dahil nalaman jong may sakit ako. At ikakasal na si Anton sa iba. Hindi ko alam kung tama bang mahalin siya.

Hindi na nasabi pa sa kaniya na mahal ko siya. Siguro ay sa pagod sa pag-iyak kaya ako nahihilo maya't maya. Kung minsan ay hindi rin ako makakain dahil wala akong gana.

Maya maya pa ay may kumatok muli sa pintuan ko. Sinilip ko muna ito sa maliit na siwang ng bintana upang nasigurado kung si Anton na naman ba ito.

Pero mali ako, isang sasakyan ang nakaparada sa labas ng bahay ko at may isang mayamang babae ang kumakatok. Hindi ko siya lubos na makilala dahil nakasuot ito ng isang magarbong hair dresser at naka shades.

Iyos ko muna ang itsura ko bago ako tuluyang lumabas at pinagbuksan siya ng pinto.

"Sunshine Dela Vega?" agad niyang bungad sa akin. Hindi agad ako nakaimik at sinipat ko kung sino ba ang kausap ko.

Inalis niya ang salamin tsaka sya humarap sa akin. Nagulat ako nang makita ko ang Mama ni Anton.

"Magandang araw po."

"Walang maganda sa araw kung ikaw ang nakikita. I'll go straight to the point. Magkano ba ang kailangan mo? Name your price! Layuan mo lang ang anak ko" bahagya akong natulala sa narinig ko. Ano ba to pelikula? Akala ko sa palabas lang nangyayari ang mga ganito sa totoong buhay din pala.

"Hindi ko po kailangan ng pera nyo. Hindi po ako nabibili. Makakaalis na ho kayo"

"10 Million? Di pa ba sapat ang sampung milyon para sayo? Kulang pa ba? Sabihin mo lang"

"Umalis na ho kayo" akmang tatalikuran ko na siya ng hawakan niya ang kamay ko.

"Nakiki-usap ako Sunshine. Bitawan mo na ang anak ko. Bitawan mo na siya" sabi niya sa akin marahan kong inalis ang kamay niya sa akin at hinarap siya.

"Umalis na ho kayo. Mag-iingat ho kayo" saad ko sa kaniya at marahang sinara ang pinto. Pag kapasok na pagkapasok ko ay muling bumagsak ang mga luha ko.

Ganun na ba talaga ako? Kailangan may bayad. Nakipag sex ako kay Anton para mabayaran abg pag papagamot ni Mama ngayon ay binibigyan ako ng sampung milyon layuan ko lang ang anak niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at pumasok na ako sa kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko at tahimik na nakatingin sa salamin. Pinagmasdan ko ang namumutla kong mukha pinag isipan kong mabuti ang gagawin ko.

Lumabas ako ng bahay at sumakay agad sa dumaang sasakyan. Tahimik lang ako sa aking byahe hanggang sa makarating ako sa kumpanya.

Pinapasok ako ng guard dahil empleyado naman ako dito. At agad akong dumeretso sa opisina ni Anton.

Nang makita niya ako ay dali dali siyang lumapit sa akin at hinawakan agad ang mukha ko.

"Baby, finally your here" inalis ko ang kamay niya at humakbang paatras sa kaniya.

"What's wrong?" Ani niya sa akin na may malalim na pag aalala sa kaniyang mata.

"Good Morning, Sir. Here is my resignation letter" agad kong sabi sa kaniya at inabot ang envelope. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak sa harap niya.

"What's this? Bakit may ganito?" nagsimula nang mangunot ang noo niya.

"Hindi ko tatanggapin to" sabi niya sakin at pinunit sa harapan ko ang letter na iyon.

"Gusto ko na matapos ang lahat sa atin. Bilang empleyado mo at  bilang babae mo. Hindi ito ang lugar ko. Ikakasal kana. Siya ang dapat mong kasama hindi ako" sabi ko sa kaniya at tumalikod na ngunit bigla kong naramdaman ang yakap niya mula sa likod ko.

"Hindi mo ba ako mahal? Hindi mo ba ako minahal?" natahimik ako sa tanong niya. Pilit ko paring pinipigilan ang luha sa mga mata ko pero traydor ang mga luha ko dahil patuloy silang tumutulo mula sa mga mata ko.

"Hindi" Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita. Minahal kita at manahalin pa din kita  saad ng aking isipian pero pinili kong humindi at maging simple ang sagot ko sa kaniya. Sa tingin ko ay yunang mas makakabuti para sa amin.

"Kahit konti? Wala?" Saad niya sa akin. Inalis ko ang kamay niya g nakapulupot sa akin at humarap sa kaniya. Sa puntong ito ay mas lalong dinurok ang puso ko. Nakita kong kay luha sa mga mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak ng ganito.

"Mahal kita Sunshine. Mahal na mahal kita. Hindi mo va ako minahal kahit konti man lang?" Saad niya sa akin habang hinahawakan ang mukha ko.

"Tama na, aalis na ako. Wag mo na akong hanapin pa. Wag mo na akong guluhin" saad ko sa kaniya

"Ito ba ang gusto mo? Magiging masaya ka ba? Dahil kung Oo, lalayuan na kita." Tanong niya sa akin.

"Oo, ito ang gusto ko" ang gusto ko ay makasama ka habang buhay pagkasabi ko ng mga linyang iyon sa kaniya ay hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tuluyan ba akong lumabas ng opisina niya.

Naging mabigat ang bawat hakbang ko palabas ng building na iyon. Iyon na ang huling beses na babalik ako sa lugar na yun. Huling beses na nakatayo ako sa mundo nya.

Muli kong pinunasan ang mga luha ko at umuwi sa bahay, at tsaka inayos ang mga gamit ko dahilnapag desisyonan ko na umuwi na lang muna sa bahay ni Tita Nerissa at makasama si Mama.

******

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon