Chapter 5

64 3 0
                                    

Today is another great day! Tinawagan na ako nang Manansala Group of Company para mag trabaho sa kanila. Hindi ako makasigaw sa loob ng kwarto ko dahil baka marinig ako ni Mama. Tsaka ko na lang sasabihin sa kaniya ang bago kong trabaho kapag nakapasa na ako sa interview mamaya. Excited na ako. Walang ibang salita anv makakapag paliwanag ng saya ko.

Kahit Janitress ang inapplyan ko ay masaya na ako. Dahil kahit papaano ay may ipang tutustos ako kay Mama, para maipagamot ko siya at tuluyang gumaling.

Inayos ko ang sarili ko at nag suot ng magandang blouse.

"Shine, bakit tanghali kana yata?" Saad ni Mama habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ah Ma, hindi po. Tinext po ako ng boss ko mga 9am daw ako pumasok" pagsisinungaling ko dito. Hindi naman siguro magagalit si Mama kung tsaka ko nasasabihin sa kaniya na may bago na akong trabaho.

Wait, hindi pa pala bago kasi iinterviewhin pa lang ako. Mamalaman ko mamaua kung papasa na ba ako o hindi.

Agad akong nag ayos ng sarili at hinintay ang oras. Naglagay ako ng simpleng ayos sa mukha, para kahit Janitress kailangan maganda pa din ako.

Pag patak ng 8:30 am ay umalis na ako sa bahay namin. Madali lang naman ang byahe papunta dun. Isang jeep lang tapos lalakadin ko na ng kaunti.

"Ma!! Aalis na ako." Paalam ko dito. Lumabas naman siya ng kwarto niya at inihatid pa ako sa pinto ng bahay namin.

"Ingat ka, anak. Galingan mo parati sa trabaho mo" saad naman nito sa akin. Ngumiti ako ng napakaganda sa kaniya at niyakap siya.

"Para sayo Ma, hindi ako mapapagod" saad ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge. At dali daling sumakay sa jeep na dumaan.

Habang nasa byahe ako ay nakapikit ako at nag dadasal. Na sana matanggap na talaga ako. Malapit na kasi ang sunod na check up ni Mama eh. Kailangan ko na ng pera.

Pumara ako mismo sa tapat ng building. Ang taas taas at ang ganda ganda ng building nila.

"Good morning, kuya guard" masigla kong bati sa kaniya.

"Good morning din po, ma'am. Saan po sila" takong naman niya sa akin.

"Interview po" saad ko dito. Hindi siya ang nakausap ko nung huling punta ko dito.

"Ah, dito na lang po tayo Ma'am" turo niya sa mga bakanteng upuan sa labas ng isang pinto.

"Salamat po, kuya guard" ngumiti naman ito tsaka bumalik sa pwesto niya. Tahimik lang akong naghintay at pinag masdan ang paligid.

"Wow, ang ganda na sa labas, pati sa loob ay mas maganda pa" manghang mangha kong nilibot ang akin mata at tila wala sa sariling tumayo at naglibot.

Nang may nakabangga akong isang lalaki. Gwapo, Matangkad, Moreno, nakasuot ng mamahaling suit at may magandang mga mata. Sinalo ako ng maskulado niyang mga bisig.

"Miss, okay ka lang?" Agad niyang tanong sa akin na siya ring nakapag pabalik ng katinuan ko.

Tumayo ako at inayos ang nagusot kong damit.

"Pasensya na po kayo, Sir" sabi ko at iniyuko ko pa ang ulo ko.

"It's okay, are you applying for a job?" Tanong niya sa akin. At napaayos naman ako ng tayo

"Yes, sir" mabilis kong sagot sa kaniya.

"What position are you applying for? HR? Marketing? Finance?" Hinintay niya ang magiging sagot ko.

"Janitress po" bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa narinig nya.

"Oh, okay. Goodluck to you. Miss Sunshine" sabi niya sa akin at inabot ang resume ko. Magtataka na sana ako kung paano niya ako nakilala.

Teka di ko naitanong ang pangalan niya.

Sana talaga matanggap ako dito para araw araw mga gwapo at magagandang mukha lang makikita ko.

"Ms. Sunshine Dela Vega" tawag sa akin ng secretary tsaka ko muling inayos ang suot ko at nagsimula nang maglakad para sa interview ko.

*******

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon