Chapter 28

59 1 0
                                        

Pag katapos naming mag agahan ay nagpaalam ako kay Anton na hindi muna ako papasok sa trabaho. Tinanong niya rin ako kung bakit, ang sabi ko sa kaniya ay napagod ako ng sobra gusto kong mag pahinga. Pumayag naman siya at hinayaan na akong mag isa sa bahay niya.

Pag ka-alis niya ay nag ayos na din ako. Pupunta ako ng hospital para mag patingin. Dahil noon pa lang ay nakakaramdam na ako ng pag kirot sa dibdib ko. Nung una ay binalewala ko lang yun. Kanina lamang ulit nangyari ang sobrang pag kirot.

Habang nasa byahe ako ay biglang tumawag si Mama.

'kamusta ang anak ko?' magiliw niyang ani sa kabilang linya ng telepono.

"Okay naman Ma, ikaw kamusta ka?" Tanong ko pa balik sa kaniya.

'Maayos naman ako dito sa Tita Nerissa mo. Nakakalibang ang mga halaman niya. Alam mo nak, tumutubo na ulit ng paunti-unti ang buhok ko' ramdam na ramdam ko ang saya sa mga salitang sinasabi niya.

Hindi ko alam pero meron sa puso ko na sobrang saya ko kasi masaya sya. 

'nak, andyan kapa ba?' muli kong narinig ang boses niya mula sa kabilang linya.

"Yes, Ma. Andito pa po ako. Pero Ma ibaba ko na din po ah. Malapit na po kasi ako sa bababaan ko. Ingat po kayo palagi ah. Mahal na mahal po kita Mama" sabi ko sa kaniya. At mahihinang tugon naman ang narinig ko mula sa kabilang linya.

Pag kababa niya ng tawag ay napasandal ako ng maayos sa jeep at pinanatili ang mata sa aking dinadaanan. Ilang minuto pa ang nakaraan ay pumara na ako sa tapat ng hospital. Sa pag baba ko ng jeep ay biglang kumirot muli ang dibdib ko.

Napahawak ako sa pader na lamapit dun. At panandaliang namilipit sa sakit.

Dumeretso ako sa emergency room at dun nag tanong.

Tinuro nila ako sa kung saang doctor ako dapat mag patingin. Kabado akong naglakad papunta roon. Kumatok ako sa isang pinto at sa pag pasok ko ay isang doktor ang syang nakaupo sa desk niya.

"Hello, maupo ka" saad sa akin ng isang babaeng doktor na napakaganda sa suot niyang putung lab gown. Umupo ako sa harap ng desk niya gaya ng sabi niya sa akin.

Maya maya pa ay sinimula na niya akong check up. Tinanong ako sa kung ano ano. Gaya ng kelan sumasakit. Kung madalas ba ako uminom ng alak. Kung may mga bisyo ba ako. Sinagot ko lang ang mga yun base sa mga nararamdaman at nalalaman ko.

Ini-undergo niya ako ng mga test at sabi niya ay tatawagan na lang nila ako kapag may result na yung mga test na isinagawa ko.

Marahan akong lumabas ng clinic na iyon. At tahimik na nag lakad palabas ng ospital. Tika iba ang pakiramdam ko. Parang may kakaiba. Sa ngayon ay binigyan muna nila ako ng pain reliver kung sa kaling sunakit man ulit ng sobra ang dibdib ko.

Naisipan kong dumaan sa isang malapit na grocery store. Tutal ay wala naman akong gagawin sa bahay ay ipagluluto ko na lang si Anton para pag uwi niya ay may nakahain nang pagkain para sa kaniya.

Sunakay na ako ng tricycle pamula dun sa grocery store hanggang sa bahay ni Anton. Pag pasok ko ay inayos ko muna lahat ng iyon sa loob ng ref at nagpalit ng damit.

Ilang oras pa bago sumapit ang oras ng pag dating niya ay nagsimula ana akong naghanda ng makakain niya.

Sinimulan ko nang hiwain ang mga sibuyas at bawang at sinimulang lutuin ang paborito niya.

Maya maya lamang ay narinig ko na nag pag parada ng sasakyan niya sa labas. Kaya naman dali dali akong pumunta sa pinto para salubungin siya.

"Anton" agad na lumiwanag ang ngiti niya sa labi ng makita niya ako sa loob ng bahay.

"Pinagluto kita" simpleng sabi ko sa kaniya.

"Hmm.. tamang tama nagugutom na ako" saad niya at hinalikan ako sa noo. Pababa sa pisngi ko hanggang sa labi ko. Marahan niya akong siniil ng halik sa labi. Ng biglang tumunog ang telepono niya. Bumitaw siya at sinagot yun.

"I already told you Mom. I won't do that"

"I don't care. Stop bothering me"

"No, Mom. I aready told you that"

"It's my choice, wag mo siyang isali sa usapan. She'd different"

"Bye" may diin niyang sabi bago tuluyang binaba ang tawag.

"Sorry, my Sunshine. Let's eat" napangiti na lang ako ng bahagya sa sinabi niya. Pero hindi ako mapakali sa kung anong narinig ko. Gusto ko siyang tanyngin at alamin ang pinag usapan nila pero sino ba naman ako. Hindi ko nga sigurado kung girlfriend na niya ba ako. Basta ang malinaw lang sa akin ay may nangyayari sa amin. At sya ang naging pahinga ko.

Pinilit ko na lang na mawala sa isip ko ang nga isiping iyon at sinabayan siyang kumain.

"It taste really good" sabi niya at hinawakan pa ang pisngi ko na tila nag papasalamat sa masarap na pagkain. Nginitian ko na lang sya pabalik at pinagpatuloy ang pagkain.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon