Chapter 33

39 1 0
                                    

Gaya ng napag-usapan, tinutulungan ako ni Ethan. Halos mag pakilala na siya sa pamilya ko na boyfriend ko. At akuin ang responsibilidad sa pinagbubuntis ko. Tuwing may check up ako ay nandito siya. Kumpleto na ako sa bitamina sa dami ng prutas na lagi niyang dala.

"Eat more, lady" ani niya sabay lagay ng mga gulay sa plato ko. Andito siya ngayon para bisitahin ako. Kahit walang schedule ng check up o problema ay dumadalaw talaga siya rito.

Naging komportable na din ako na parati siyang andito. Kahit papaano ay nakaramdan ako ng kalinga.

"Bakit kaya hindi ikaw ang kumain ng madami. Mukhang pumapayat kana kakatrabaho at kapapauli-uli dito" napangisi naman siya sa sinabi ko.

"Kumakain ako, kasi kailangan kong maging malakas palagi." Pag mamayabang niya habang fine-flex pa ang braso nya. Hindi naman maipagkakaila na malaki din talaga ang katawan niya. Masculine ganun, pero mas maganda p din ang hubog ng katawan ni Anton. Teka yan na naman ako si Anton na namn ang iniisip ko.

"Gusto kitang protektahan" nang marinig ko ang sinabi niya ay dun lang ulit bumalik sa ulirat ang utak ko.

"Hindi mo naman kailangan gawin yun" sabi ko at sinubo ang natitirang pagkain sa plato ko.

"Shine, i already told you last four months ago" napainom ako ng tubig nang muling maalala ang lahat 4 months ago.

"Hello, lady" masayang bati sa akin ni Ethan pagkababa niya ng sasakyan.

"Hello" simpleng sagot ko sa kaniya. Nginitian niya ako at inalalayan sumakay sa passenger seat. Gusto niya kasi na magkaroon ako ng proper check up. Lalo na at mag iisang buwan na pala ang tyan ko.

"How are you? Nakakain kaba ng maayos?" Tanong niya habang abala sa pag mamaneho.

"Oo naman. Di namn ako pinababayaan ni Mama at ni Tita Nerissa" saad ko at muling lumingon sa labas.

"I want to take care of you too. Dadalhan kita ng mga prutas at gulay palagi, ano ba ang mga gusto mo" bakas sa boses niya ang sineridad sa mga sinasabi niya.

"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito?" tanong ko sa kaniya. Totoong naguguluhan ako.

"Gusto kita" simpleng sagot niya. Naiwan ang tingin ko sa kaniya at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Bigla niyang iginilid ang sasakyan at tumingin ng deretso sa akin.

"I like you. The moment I saw you on that day sa interview, I knee you caught my attention. Nakilala pa kita ng tuluyan lalo na nang dun kana magsisimulang magtrabaho. I was ready that time. I was ready to tell you that I like you. But I saw you, I saw the both of you. Dun pa lang alam kong talo na ako. Knowing Anton, hindi yun basta basta mag paparaya at mag papalamang. Pag gusto niya wala kana magagawa. Kaya nung nalaman ko na may ganung issue siya with her mom. Naisip ko agad na hanapin ka. Because I care for you. I don't want you to get hurt. I like you. A lot" hindi ko nagawanv umimik pa dahil dere deretso lang ang pag sasalita niya. Bukod dun ay hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Masayado akong natulala

"You don't need to answer me. But you can love me back. Pero hindi kita minamadali para sa bagay na yun. Just take  your time. Okay!" Sabi niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko at tsaka bumalik sa pag mamaneho.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang abala siya sa pag liligpit ng pinagkainan namin.

"Stop starring, baka isipin ko na mahal mo na ako" napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Sira ka talaga. Alam mo nam--"

"Will you marry me?" saad niya sa pagitan ng pagsasalita ko. Mas kinabigla ko iyon kaya naman nabitawan ko ang basong hawak ko.

Mabilis siyang lumapit sa akin at inilayo ako sa bubog na nag kalat sa sahig.

"Teka, ako na bahala dito" saad niya sa ajin habang inaalalayan ako papunta sa may gilid malayo sa mga bubog.

"Hindi mo kailangang sagutin agad ang tanong ko. Maghihintay ako. Kung kelan ka magiging handa" saad niya habang ang mga mata at abalang nakatingin sa nga bubog na nililinis niya.

"I'm willing to wait. Because I love you" saad niya na nakatungin ng deretso sa mga mata ko. Hinawi niya ang ilang hiblang buhok ko bago niya ako tinalikuran.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon