Ethan's Point of View
Ilang araw na ako nag stay dito sa bahay nina Shine dahil ayaw niya ako pauwiin. At palagi niyang gusto na inaamoy ang kili-kili ko. Napasapo na lang ako sa noo sa tuwing gusto niyang matulog habang inaamoy ang underarm ko.
Buti na lang talaga at hygienic ako dahil nakakahiya naman kung gusto niya akong amuyin pero ang bago ko. I love making myself clean not just everyday but also everytime na kailangan malinis talaga.
"Ethannn!!" Masayang sigaw ni Shine ng makita ako sa labas ng bahay nila na kababa ko lang ng sasakyan.
"Don't run. Lalapit ako" sabi ko sa kaniya at binigay ang isang magandang ngiti.
Kinuha ko ang pasalubong kong cake sa kaniya dahil kanina pa niya akong tinetext because of that cake.
"Too excited huh? But confused. Are you excited to see me or excited to have the cake?" pang aasar ko sa kaniya. Alam ko na excited siya sa cake dahil gaya nga ng sabi ko ay kanina pa niya ako tinetext dahil dun.
"Whatever" sabi niya at kinuha ang cake sa kamay ko at agad na pumasok sa loob ng bahay.
"Naku, pag pasensyahan mo na yang si Sunshine. Alam mo ba dati kapag ang tatay niya ang umuuwi galing trabaho ay ganiyan na ganiyan siya. Sisigaw at babatiin ang tatay niya tsaka tatakbo para yakapin. Alam niya kasi na may pasalubong sakaniya. Pero bukod dun ay alam kong namiss niya din talaga yun tatay nuya. Ganun din siya sayo" kwento ni Tita Sheila sa akin
"Sorry to ask pero asan po ba ang tatay niya?" tanong ko sa kaniya at naupo sa kabilang side ng table kung saan na mamahinga si Tita Sheila. Ngumiti siya bago tuluyang sinagot ang tanong ko.
"Ang papa niya kasi ay nagtatrabaho sa isang kumpanya noon bilang truck driver. Hindi ko lang alam kung hanggang ay dun parin siya nag tatrabaho. May kalayuan kasi iyon sa amin noon. Kaya naman nagkakaroon lang siya ng pagkakataong umuwi tuwing sabado at aalis din ng linggo. Kaya sa tuwing sasapit ang araw na yun ay magiliw na magiliw si Shine na sasalubong sa kaniya. Pero isang araw hindi na siya umuwi. Hinihintay siya ni Sunshine sa labas ng bahay namin. Tuwing sabado hanggang linggo. Palagi siyang nadoon sa may pinto" panandalian siyang huminto at tumingin sa akin.
"Hanggang sa nakita niya isang beses sa school nila dumaan yung tatay niya. May kasamang mayaman na babae, pareho silang sumakay sa sasakyan at sa kasama-ang palad ay nakabukas ang bintana ng sasakyan at nakita ni Sunshine mismo ang panloloko nito sa amin. Hinalikan niya ang babae. Umuwi siya ulit dito sa amin. At hindi na siya gustong makita ni Shine. Labis nasaktan ang anak ko. Nagusap kami at humingi siya ng tawad. At dun niya sinabi na babalik siya sa susunod na sabado. Pero walang Ronnie na dumating, at dun na tuluyang nasira ang natitirang pag-asa ni Shine na muli kaming magkakasama. At pamula noon ay ayaw na niyang marinig ang pangalan niya na Sunshine kasi yun ang paborito ng tatay niya. At sinasabi na 'You're always be my Sunshine'. Ang bilis lang ng panahon ngayon ay sya na ang magiging nanay"
Tahimik ko lang pinakinggan ang kwento niya at nanatiling nakatingin sa kawalan.
"Oh siya iho, pumasok kana sa loob at manaya ay hahanapin kana naman nun" sabi niya na may ngiti sa kaniyang labi.
"Sige po, salamat sa kwento nyo" saad ko dito at tumayo. Bago pa man ako makaalis ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Alam kong hindi ikaw ang Ama ng pinagbubuntis niya. Pero hiling ko ay mahalin at alagaan mo ang anak ko at ang magiging anak niya" kinabigla ko ang narinig ko mula sa kaniya. Muli ko siyang nilingon at tumapat ako sa kaniya.
"Paano ninyo po nalaman?"
"Noon, nag papagaling pa lang ako sa ospital ay may kasama na siyang lalaki. Sa pag kakaalala ko ay Anton ang pangalan niya. Ang sabi niya at boss niya ito sa trabaho. Ngunit napanansin ko ang ibang klase ng pagtrato niya dito. Naisip ko na noon pa lang na baka may relasyon sila ng anak ko. Hindi ko magawang magtanong dahil nakikita kong masaya siya. Hindi ko na alam ang nangyari bigla na lang siyang umuwi at malamanlaman ko na buntis siya at nakita kita sa unang pagkakataon" Tumango tango ako sa kaniya.
Muli kong hinawakan ang kamay niya at nangako sa harap niya.
"Gagawin ko po ang lahat mapanatili ko lamang pong ligtas ang anak at apo nyo Tita. Kahit bilang isang mabuting kaibigan niya po"
"Salamat, Iho. Siya pumunta kana dun nag hihintay na yun" tumango ako at nagderetso na sa loob ng bahay.
"Ethan, gusto mo?" agad na sabi sakin ni Shine at muling naghiwa ng cake.
*****
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...