Ethan's Point of View
Andito ako ngayon sa bahay ni Shine sa kwarto niya to be exact, binigyan niya ako ng space para malaya akong makapag trabaho habang nandito ako sa kanila. She is on her 8th month of being pregnant isang buwan na lang ay lalabas na yung baby namin.
Yes, I want yo consider it as mine. Why not diba, I'm willing to take the full responsibility to her and to her baby. I want to treat her daughter like it was real mine.
Gusto ko sya ulit kausapin tungkol dito. Pero tsaka na siguro kapag nakapanganak na siya. Mas maganda siguro na makausap ko sya kapag okay na sya. Ayoko kasi na mastress sya o mag-isip ng kung ano ano.
"You want coffee?" Napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang magsalita at hinawakan ang balikat ko.
"Ikukuha kita" sabi niya at agad ding umalis. Napangiti na lang ako dahil kahit na kaibigan lang ang tingin niya sakin ay inaasikaso at inaalagaan din niya ako.
Pag balik niya ay dala dala niya ang isang tasa ng kape. Tumayo naman ako para salubungin siya at abutin iyon mula sa kaniya.
"Thankyou" sabi ko at agad na hinigop ang kape.
"Mahaba pa trabaho mo? Matutulog na ako"
"Yeah okay. You can sleep na. I still have work to do" tumango naman siya at agad na humiga sa kama.
Nakatagilid siya dahil nahihirapan na siya pumwesto sa higaan dahil malaki na ang tyan nya. If I wasn't mistaken weeks na lang ang bibilangin at manganganak na siya
Isa din yun sa reason kung bakit ko piniling mag stay dito para incase na biglaan siyang manganak ay andito lang ako sa tabi niya.
Ilang oras lang ang nakalipas ay tinabihan ko na siya sa kama at gaya ng unaasahan ko ay kinuha niya ang kamay ko para mapayakap sa kaniya.
Isa iyon sa mga naging paborito ko. Hindi ko alam kung may nararamdaman na ba sya sa akin o ganito lang talaga siya.
Niyakap ko siya at hinimas ko pa ang tyan niya.
"Goodnight" bulong ko sa kaniya at pagkatapos nun ay agad din akong nakatulog.
Kinaumagahan ay wala na siya sa tabi ko. Kaya agad akong bumangon para hanapin siya.
"Sige pa, Shine. Lumakad ka pa ulit paikot" ani ni Tita kay Shine
"Mama, pagod na ako" reklamo ni Shine sa kaniyang ina
"Hindi! Isa pa, last na para din namn yan sayo para madali kang umanak" ani naman ulit ni Tita na pinipilit parin si Shine na mag lakad pa ulit.
"Ethan!" Ani ni Shine ng makita niya ako sa may pinto.
"Oh, Mama. Gising na. Tama na ah" sabi niya kay Tita na parang isang batang binibida ang salitang naipangako sa kaniya.
"Oh sya sige na, ano pang magagawa ko diba?" sabi naman agad ni Tita. Lumapit naman si Shine sa Ina at niyakap ito.
"I love you Mama, mahal na mahal ka namin ni Baby Ashley"
"Ashley?" agad na singit ko sa kanila.
"Oo, Ashley. Yun ang naisip kong pangalan para sa baby ko. Ashley Dela Vega" napangiti naman ako sa sinabi niya pero kalahati ng nasa isip ko at sana Ashley Montemayor na lang ang baby. Umaasa pa din akong tanggapin niya ang offer ko.
"Ganda diba?" Agad niyang sabi sa akin. At tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya.
"Kain na tayo, halika na" sabi niya at hinila na ako papasok. Agad naman siyang nag sandok ng pagkain na nakahain sa lamesa at inabot iyon sa akin.
"Thankyou" sabi ko at nginitian niya lang ako at nagsimula na siyang kumain.
Ang sarap lang gumising sa araw-araw na ikaw ang kasama. Sunshine.
****
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...
