Chapter 13

52 1 0
                                    

Nagising ako sa isang malambot na kama. Pinagmasdan ako ang paligid. Sobrang sakit ng ulo ko pinilit ko pa din makatayo mula sa kama na iyon. Tinignan ko rin ang sarili ko kumpleto naman ang suot ko at ganun pa din ang ayos ko.

Sa muling pagtumba ko sa kamay ay syang pag bukas ng pinto. Agad na bumungad sakin ang isang matipunong lalaki.

"Sir Anton?" Tinunghay niya ang tingin upang mapaharap sa akin.

"Gising kana pala" kalamado niyang saad sa akin tsaka lumapit at inilagay sa side table ang soup at tubig na nakalagay sa isang tray.

"Eat your breakfast, para mawala tang hilo mo. Pag kakain mo at medyo okay ka na ay ihahatid na kita sa inyo para makapag handa ka at kailangan mong pumasok sa trabaho. Understood?" May pagkamasungit niyang sabi sa akin tumango naman ako at umusog papalapit sa may side table para makakain na ng hinanda niya.

Hinawi hawi ko pa buhok ko dahil panay ang laglag nito sa may mukha ko. Maya maya ay naramdaman ko na may nag ipon nito sa likod at nilagyan ng tali.

"Stupid!" Sabi niya at pinagpatuloy ang pag tatali sa buhok ko.

"Don't look at me. Marami akong panali ng buhok. I don't like messy hair" saad niya sa akin at nakapamulsang naglakad paalis ng kwarto.

Pinagpatuloy ko ang pagkain na inihanda niya. Infairness masarap, akalain mong marunong siya magluto.

Biglang sumagi sa isip ko si Mama, baka nag aalala na yun dahil hindi ako umuwi. Agad kong hinanap ang cellphone ko sa bag ko. Pag bukas ko ay 16 missed call from Tita Nerissa, agad akong kinabahan kaya naman tinawagan ko siya pabalik.

Ilang ring lang ay sinagot na niya ang telepono niya.

[Salamat naman at tumawag ka, Naku Sunshine makukurit kita sa singit ako nag sasabi sayo] ani agad ni tita pagkasagot ng tawag ko.

"Tita, sorry! Kasi nagkaayaan kahapon yung boss ko. Napainom ako eh tapos nag passed out"

[Ah! Passed out!! Eh etong nanay mo munting nang mapassed away. Pumunta kana dito sa Hospital itetext ko sayo ang address] agad nawala ang takot ko kay Tita at napalitan iyong ng labis labis na pangamba. Dali dali kong dinampot ang bag ko at tatakbong lumabas ng kwarto.

"Done eating?" Agad na bungad ni Sir Anton.

"Pasensya na kayo Sir. Nag mamadali ho kasi ako" agad na gumuhit sa mukha niya ang pag tataka.

"Why? What's wrong?" Sa tanong niyang yun ay agad na nanggilid ang luha ko.

"Yung Mama ko kasi Sir sinugod sa ospital"

"What?! Saan ba yung hospital ihahatid na kita" pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. At tumanggi na rin ako sa alok niya.

"Hindi na po Sir"

"Boss moko, makikinig ka sakin. Ihahatid na kita. Tell me the exact address" sabi niya at kinuha ang nakasabit na susi sa may gilid ng pinto. Tsaka ako hinila palabas ng unit niya.

Sumakay kami ng elevator deretso sa parking ng building. Pinakita ko sa kaniya ang address na sinend sakin ni Tita, mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Palinga linga ako sa may bintana na tila hinintay kung saan tatapat ang sasakyan.

Napalingon ako sa kaniya. He only wearing his panjama and a white sando. Miski siya ay mukhang nagmadali para maihatid ako. Sa puntong yun ay napatitig ako sa kaniya.

"Stop Looking! Stupid. Where here" saad niya ng bigla niyang tinulak ang noo ko para bumalik ako sa ulirat. Pag tingin kosa labas ng bintana ay nasa tapat na nga kami ng ospital.

Bumaba ako at agad na nag pasalamat nung ibinaba niya ang bintana ng sasakyan niya. Tumango na lang siya sa akin at pagkatapos nun ay hindi ko na siya hinintay na makaais at agad n nag madaling pumasok sa loob ng ospital.

******

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon