Chapter 35

39 1 0
                                    

Mahimbing pa din ang tulog ni Ethan sa balikat ko, tapos na din akong kumain ng ice cream. Gusto ko na sana siyang gisingin at lumipat sa kwarto dahil inaantok na din ako.

Nilingon ko sya at naamoy ko ang buhok niya. Ang bango bango nun at hindi nakakasawang amuyin. Hinawi hawi ko pa iyon habang ang mga mata ay nakapikit at tahimik na inaamoy ang buhok niya.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang nag salita.

"What are you doing?" Agad ko namang inalis ang kamay ko sa buhok niya at bumangon naman siya mula sa pagkakasandal.

"I'm asking you, what are you doing?" Ani niya habang kinukusot ang mata.

"Wala, gigisingin na kita, inaantok ako" sabi ko at agad na tumayo. Natawa naman siya sa inasal ko. Kitang kita ko ang paglitaw ng mga pasimpleng ngiti niya sa akin.

"Hey, aalis na ako" sabi niya nyng tumayo na siya mula sa dinning area. Lumapit naman ako sa kaniya at agad na inabot ang kamay niya.

"Stay" simpleng saad ko sa kaniya habang nakayuko. Nahihiya ako dahil gusto ko siynang mag stay. Gusto ko siyang katabi ngayon dahil ang bango talaga ng hubok niya.

"Why would I?" Tanong niya sa seryosong boses niya.

"Huh?" Agad kong tugon sa sinabi niya.

"Why should I stay?" Muli niyang tanong sa akin. Hindi ko alam ang eksaktong salitang sasabihin ko. Paano ko ba sasabihin na gusto ko siyang kasama dahil ang bango niya.

Tinignan niya ako na parang sinasaulo ang mukha ko.

"Kasi--"

"Kasi ano?" Saad niya habang ang lapit ng mukha sa akin. Ang bango bg hininga niya. Bakit lahat sa kaniya ay mabango mas lalo akong nahihirapang paalisin siya dahil nakakaadik talaga ang amoy niya.

'You like the smell ba baby' ani ko sa aking isip n oarang kinakausap ang anak ko.

Hindi na ako nakasagot sa mga tanong niya dahil hiyakap na niya ako napasubsob ang mukha ko da dibdib niya at gaya ng kaniya ay ang bango bango niya.

"Tara na, tulog na tayo" sabi ko sa kaniya na parang isang batang nangungsap. Ngumiti naman siya at tumango sa akin.

Hinila ko siya papasok ng kwarto ko at nahiga na sa kama. Tinabihan naman niya ako at magkahati kami sa iisang kumot.

Gusto kong sumiksik sa tabi niya para masulit ko ang amoy niya.

"Ethan?" Mahinang tawag ko dahil baka natutulog na siya.

"Hmm?" Tugon naman niya sa akin.

"Pwede bang alisin mo yung tshirt mo"

"Huh?" Agad niyang sabi nang mapabalikwas siya ng bangon. Para akong bata na nag beautiful eyes pa sa kaniya.

"What do think you're doing?" Saad niya sa akin. Agad namang nangilid ang luha ko. Dahil parang galit siya. Humiga na lang ako ng maayos at tinalikuran siya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumulo ang luha ko, gusto kong pigilan at wav gumawa ng ingay. Ayokong marinig niya ang mga hikbi ko.

"Hey, I'm sorry. Di ko naman intensyon na pagtaasan ka ng boses nagulat lang ako sa gusto mo" sabi niya sa akin mula sa likod ko.

"Are you crying?" tanong niya na may malumanay na boses. Dahan dahan niya akong iniharap sa kaniya at diko na napigilan ang pag iyak ko.

"Gusto-- ko-- lang kasi--- eh" ani ko habang panay ang hikbi.

Maya maya ay nag hubad siya ng pang itaas na damit at lumapit sa akin para yakapin ako.

"Eto na. Okay? Please stop crying" sabi niya sa akin habang yakap yakap ako.

Unti unti akong kumalma sa pagiyak at dahan dahan ko siyang niyakap. Marahan din naman niyang inayos ang aming paghiga at hinayaan niya akong naka-ulo sa mga braso niya.

Naging tahimik ang paligid hindi pa ako tuluyang nakakatulog ay naamoy ko ang kili kili niya.

"Ethan! Ang bango ng kili-kili mo" saad ko na parang isang batang tuwang tuwa.

"Just smell it and sleep. Napupuyat kana. Its not good for your health" sabi niya at hindi man lang nag abalang lingunin ako. Nakatakim ang kabilang braso niya sa kaniyang mata ahabang ang isa ay nakaalay para sa ulo ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa makatulog na ako.

'My baby really love your smell, Ethan'

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon