Chapter 32

42 1 0
                                    

It's been days since na kauwi ako dito kina Tita Nerissa. Panay din ang tanong ni Mama kung bakit biglaan akong umuwi. Hindi ko pwedeng sabihin na may sakit ako, ayoko na nag aalala siya sa akin. Masaya na ako na nakikita ko siyang masaya at okay na okay ngayon.

"Anak, sigurado ka bang okay ka lang? May masama ka bang nakain kagabi?" tanong niya sa akin. Dahil kanina lamang umaga ay nag suka ako na para bang hinihila ang sikmura ko sa sakit. Sumusuka ako pero wala naman akong nilalabas.

"Opo, Ma. Maayos naman po ako" simpleng sagot ko sa kaniya.

Siguro ay dahil din ito sa sakit ko. Epekto siguro ito. Simula nun ay hindi na din ako bumili ng gamot. Siguro kung mamatay ako masaya ako na makita si Mama dito kasama ni Tita. Okay siya at masaya sya. Sya lang ang priority ko wala nang iba.

Tumunog ang telepono ko at unknown number lang iyon. Nag alinlangan akong sagutin ang tawag dahil baka si Anton naman iyon.

Pero baka isang importanteng tawag. Sinagot ko iyon ngunit hindi ako agad nagsalita at pinakinggan ko lang ang boses sa kabilang linya.

'Hello, Shine?' ani nito pero hindi ko makilala ang boses niya.

'Hey, Are you there? Its me Ethan' hindi ko alam kung mabubunutan ba ako ng tinik sa dibdib o lalo akong matatakot na baka nalaman ni Anton na andito ako.

"Sir Ethan. Kamusta po?"

'thank God, kanina ka pa di sumasagot. Asan ka ngayon, gusto kitang makausap' sabi niya sa akin. Hindi ko alam jung tama ba ang napapansin ko pero parang labis ang pag aalala niya.

"Kung pinadala ka ni Anton ay huwag mo na akong hanapin at tawagan. Ayoko na po ng gulo Sir Ethan"

'I don't have anything to do with him. I just heared what happen'

"Itetext ko na lang po ang address ko"

Maya maya pa ay pinatay na niya ang tawag at itinext ko sa kaniya ang address kung saan kami magkikita. Hindi ko sinabi ang address ng bahay ko. Isang coffee shop ang sinend ko sa kaniya at dun ko hinintay ang pagdating niya.

Hindi naman ito kalayuan sa tinutuluyan ko dati kaya di ganung katagalan ang byahe papunta rito.

Habang taimtim na naghihintay ay bumili muna ako ng kape at ilang saglit lang ay nakita ko na si Sir Ethan na mabilis na naglalakad papunta sa coffee shop. Agad din naman niya akong nakita.

"Shine!" Agad niyang bati sa akin. Hinawakan niya pa ang balikat ko.

"How are you? I hope your okay?" Tumatango tango lang ako sa mga sinsabi niya.

"Nalaman ko kay Mommy yung nangyari kaya naisipan kitang tawagan. Nauli niya kasi sakin na gusto ngang ipakasal ni Tita Irene si Anton at Celine. The moment i heared it. Pumunta agad ako ng office para hanapin ka"

"Salamat sa pag-aalala pero okay lang talaga ako"

"Mabuti nang alam kong okay ka. Call me if you need help"

"Naku, Sir. Hindi na po okay lang talaga"

"Shine, hindi ka iba sakin. Mahalaga ka sakin. Kung hindi ko lang kayo nakita ni Anton noo---" natigilan siya sa sasabihin niya at agad na umiwas sa akin

"Basta call me" tumango na lang ako sa kaniya at nag paalam. Pagtayo ko ay agad akong nahilo at nawalan ng balanse pero agad namn niya akong inalalayan.

"Lets go to the hospital" agad niyang sabi sakin.

"Hindi na po, okay lang ako"

"No, sa ayaw at sa gust mo dadalhin kita sa hospital" wala na akong nagawa ng buhatin niya ako na parang bridal style at agad na isinakay sa sasakyan niya.

Pumupungay ba ang mga mata ko dahil sa pang hihina. Hindi ko alam ang mga sunod na nangyari at nagising na lang ako ay nakahiga na ako sa hospital bed at may swero.

"Gising kana" agad niyang sabi at kumapit sa akin.

"Ano pong nangyari?" Agad kong tanong sa kaniya.

"Hinihintay na lang ang ilang lab test mo. Then malalaman na natin kung anong nangyari sayo" tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya.

"Nagugutom ka ba or what?"

"Tubig po, nauuhaw lang po ako" agad niyang kinuha ang plastic bag sa gilid at kinuha dun ang isang miniral water. Inalalayan niya akong makaupo ng mabuti bago niya ako inalalayan sa pag-inom ng tubig.

Ilang sandali lang din ay dumating na ang doktor na hinihintay namin.

"Mr. Montemayor?" Agad nitong ani.

"Yes, Dok!"

"Congratulations, your wife is pregnant" agad na gumuhit ang gulat sa mukha niya at ganun din sa mukha ko.

Buntis ako? Hindi ko na itatanong kung paano nangyari yun. Pero paano yun, hindi pwedeng malaman ni Anton ang totoo.

"Thankyou, Dok." Tumango tango ang doktor sa pagpapasalamat ni Ethan sa kaniya. Tsaka sya lumingon sa akin nang may ngiti sa labi.

"Pahinga lang ang kailangan niya. At doble ingat na din. Lalo na at komplikado ang puso mo niya" sabi ng doktor at nagpaalam na din.

"Komplikado ang puso mo? May sakit kaba?" Sumeryoso agad ang mukha niya sa akin.

"Kelan mo pa alam na may sakit ka?"

"Ilang araw matapos kong malaman na ikakasal siya sa iba. Ethan, nakikiusap ako sayo. Wag mong sasabihin sa kaniya ang totoo" nagmamakaawa kong sabi sa kaniya.

"Pero--"

"Please, ayoko na maging magulo pa ang lahat" umiwas siya ng tingin sa akin at nagbitaw ng isang malalim na pag hinga.

"Sa isang kondisyon Shine"

"Kahit ano, basta wag mong sasabihin sa kaniya" tumango sa na para bang sumasang-ayon sa akin

"Let me take care for you. Check up, medicines, hospital bills, foods, and anything na kailangan mo at ng baby mo"

"Wala na banv ibang kondisyon?"

"Wala na, let me stand as a father. Sige kahit bilang tito na lang niya. Mas lagay ang loob ko na okay ang pamangkin ko kung ako ang mag-aalaga sa kaniya"

"Sobra sobra yun"

"Please or else sasabihin ko sa kaniya ngayon din" wala na akong nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon sa gusto niya.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon