Dali dali akong nag lakad papasok sa loob ng kwarto kung nasaan si Mama.
"Hay nako, buti naman dumating kana" ani agad ni Tita sa akin.
Lumapit naman ako sa nakahigang si Mama at tulog na tulog.
"Ano pong nangyari Tita?" tanong ko sa kaniya nung tumabi na siya sa akin.
"Tumawag sakin ang Mama mo, nahihilo raw siya sobra tinanong ko siya kung nasaan ka. Ang sabi niya sa akin ay inimbitahan ka raw ng boss mo. Kaya ako ang tinawagan niya" napasapo ako sa noo ko at tumungin sa kaniya.
"Sorry, Tita"
"Naku, wag kang mag sorry. Pag narinig ka ng nanay mo magagalit yan. Gusto lang niya na makapahinga ka at makapaglibang kahit papaano. Nag kataon lang na nahilo siya ng sobra, pinuntahan ko naman siya agad nakita ko siyang walang malay sa may salas nyo kaya naman kahit ayaw niya ay tinawagan kita"
"Sorry Tita, nalasing po ako kagabi" sabi ko sa kaniya kasama ang pinaka nakakaawa kong mukha.
"Hay nako! Tigilan moko Sunshine ah. Sa susunod wag masyado mag lalasing" sabi niya sa akin at nginitian ako.
"Opo, Tita" sabi ko sa kaniya sabay yakap sa kaniya.
"Oh siya, maiwan muna kita dito bibili lang ako ng makakain natin sa ibaba ah" sabi niya at naglakad na palabas. Ibinaling ko ang ulo ko kay Mama at pinagmasdan ko ang mukha niya.
"Mama, mag pagaling ka na ah" sabi ko habang hinahaplos ang mukha niya. Maya maya ay may kumatok sa pintuan.
"Tita, may nakalimutan ka ba?" Napatigil ako nang pagbukas ko ay si Sir Anton ang nakita ko
"Sir?" gulat kong tanong sa kaniya habang nakatingin ng deretso sa mukha niya. Napansin ko din ang suot niya ay nanatili sa kaniyang panjama at white sando.
"I brought some food, mukhang di mo ata nakain yung inihanda ko kanina, so I brought you some" saad niya habang itinaas ang paper bag na dala niya.
"Pasok ka Sir, bumili din si Tita ng pagkain. Pero salamat sa dala mo ah. Nag abala ka pa" sabi ko sa kaniya habang binubuksan ang supot.
May laman itong bread at isang spread. Nilabas ko iyon at inihain din sa lamesang maliit para makakain siya.
"Kumain ka din, Sir. Mukhang di pa po kayo umuuwi" napangiti naman ako nung mapatingin ako sa kaniya. Napayuko naman ang ulo niya at tila nahihiya.
"Stop looking at me, stupid. How's your mom?" tanong niya sa akin kaya naman napalingon ulit ako kay mama na mahimbing pading natutulog.
"Okay sya sa ngayon" tumingin ako sa kaniya at ginawaran siya ng tipid na ngiti sa labi.
"Hala Sir, sige na kumain kana" abot ko sa kaniya ng pagkaing binili niya.
"Salamat, Sunshine" sabi niya sa akin. Ilang sandali pa habang kumakain kami ay bigla na lang tumunog ng malakas ang monitor ni Mama. Kaya dali dali anamn akong lumapit dito at tinignan siya.
Naramdaman ko ang pag bagsak ng pinto at nawala na rin si Sir Anton.
"Mama!" Sabi ko habang niyugyog ang nalikat niya.
Maya maya ay biglang pumasok ang mga doktor sa kwarto ni Mama kasama si Sir Anton. Lumapit siya sakin at niyakap ako.
*******
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomansaWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...