Sunshine's Point of View
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at tanging isang puting kwarto lang ang nakita ko.
Marahan kong inilingon ang ulo ko sa kaliwa para makita yung may tao at maya maya ay dahan dahan kong inilingon sa kaliwa kung saan napaka ganda ng tama ng sikat ng araw.
At dun ko nakita si Ethan na buhat buhat ang anak ko habang tinatapat sa sikat ng araw.
"Ang sarap nyo naman pag masdan" mahinahon kong sabi sa kanila at agad namang napatingin si Ethan sa akin.
"Gising kana pala, tignan mo oh parang anghel" sabi niya at lumapit sa aking tabi. Marahan ko naman iniabot ang mga kamay ko para makuha ko ang bata. Marahan niyang ibinaba sa bisig ko ang maliit na sanggol
Sa puntong nahawakan ko siya ay agad na nanggilid ang luha ko at kusa iyong pumatak
"Ethan, sobrang saya ko."
"Shine, relax. Hindi makakabuti sa puso mo pag sobra sobra ang nararamdaman mo" napangiti na lang ako ng bahagya sa kaniya.
"Oo nga pala, alam na ba ni Mama ang tungkol sa sakit ko?" tanong ko sa kaniya na may halong pag-aalala
"Yes, she already know"
"Galit ba?"
"No, mas galit siya sa sarili niya dahil hindi daw niya napansin na may sakit ka" pag kasabi niya nun ay may pumasok sa loob ng kwarto
"Anak! gising kana pala" sabi ni Mama na nag mamadaling binaba ang mga dala niya at tsaka lumapit agad sa akin.
"Opo Mama. Ethan, okay lang ba maiwan mo muna kami ni Mama?" sabi ko kay Ethan. Tumango lang siya sa akin bilang sagot at agad na lumabas ng kwarto.
Katabi ko pa din sa kama ang anak ko, kinuha iyon ni Mama at ibinaba sa kuna tsaka ako inalalayan na makaupo ng maayos sa kama.
"Gusto ko kalungin ang anak ko Mama" sabi ko sa kaniya at muling binuhat ang sanggol at inihilig sa bisig ko.
"Ma, gusto ko lng mag sorry"
"Hindi na anak, hindi mo kailangan mag sorry sa akin. Pero sana anak ipinaalam mo man lang na may sakit ka"
"Okay naman na ako Mama eh, kaya ko na. Lalo na andito na ang anghel ko" napahinga na lang siya ng malalim at tumingin sa akin.
"Basta kung may masakit sayo mag sasabi ka saakin anak ko ah" tumango naman ako bilang sagot.
Nagkwentuhan pa kami ni Mama dahil natagalan na din si Ethan na bumalik. Ilang saglit lang ay dumating si Tita Nerissa
"Sunshine koooo, kamusta ka asan ang aming baby?" Malakas na sabi niya pagkapasok pa lamang niya ng pinto.
"Shhh, Tita natutulog ang anak ko" sabi ko sa kaniya at tinignan ang bata sa gilid ko. Agad namang lumapit si Tita sa gawing iyon at pinagmasdan ang anak ko.
"Napaka-ganda ni Ashley. Manang mana sa'yo" sabi niya habang hinihipo pa ang maliliit niyong kamay at pinasadahan ng kintuturo ang matangos niyang ilong.
"Isa siyang Anghel na hinulog mula sa langit para mahalin ako" sabi ko kay tita bigla kong naalala ang unang araw ko sa trabaho noon nung madulas ako sa office at nahulog ako sa napaka gwapong si Anton. Ganun din ang sinabi ko sa kaniya.
Ayun dinala ako ng anghel na yun sa langit kaya may Ashley ako ngayon. Hehe.
Muli kong hinaplos ng aking hintuturo ang kaniyang pisngi pati ang ilong. Malapit ko na masaulo ang mukha ng anak ko.
'Anak, sa ngayon ako na lang muna ang kilalanin mo paglaki mo ah. May sariling pamilya na kasi ang tatay mo' sabi ng isipan ko habang pinagmamasdan ang sanggol na mahimbing na natutulog sa bisig ko.
*****
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...