Nag paalam na si Anton na uuwi na. Nagpaiwan namn ako dito sa ospital para masamahan si Mama. Ngunit ang tita ko ay hindi pa din ako kinikibo.
"Tita, anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kaniya. Pero iba ang sagot na nakuha ko mula sa kaniya.
"Sumunod ka sakin, mag uusap tayo" ani nito at lumabas na ng kwarto, iniwan namin mag isa si mama sa loob ng silid habang mahimbing na natutulog.
"Tita" simpleng tawag ko sa kaniya
"Umamin ka sakin Sunshine ah. Ano mo ba ang lalaking yun?" nabigla ako sa tanong niya hindi ko alam paano siya sasagutin.
"Boss ko po"
"May boss bang hinahawakan ang mukha ng empleyado niya? Eh kulang na lang halikan ka" nabigla ako sa narinig ko. Marahil ay ang tinutukoy niya ay ang nangyari kanina nung pinasalamatan ko si Anton.
"Nagpasalamat labg po ako kay Anton"
"Anton??!! Ganiyan na ba ang tawagan ng mag amo ngayon? Sa pangalan na lang? Sunshine, ayusin mo yang buhay mo ah" ramdam ko ang gigil ni tita sa akin. Karamdam ko rin ang pag aalala mula sa kaniya.
Alam ko naiintindihan ko. Alam ko kung saan siya nang gagaling. Pag kasabi niya nun ay bumalik na ulit siya sa loob.
Saglit akong natigilan. Napaisip kung tama ba ang desisyon pero wala para sakin lahat tama kahit pa ikapahamak ko pa para kay Mama, para sa ikabubuti niya.
Napabuntong hininga ako at bumalik sa kwarto.
Lumipas ang mga oras at nanatili ako sa tabi ni Mama. Nag-iisip akong mabuti kung ano ba ang mga pwede kong gawin kaya naisipan ko na lang na itext si Anton.
Dahil napag-isip isip ko na mas makakabuti siguro kung babalik na lang ako sa opisina nila bilang janitress.
Tinype ko sa phone ko ang mga mesahe ko kay Anton.
To: Sir Anton
Pwede po ba tayo mag-usap bukas ng umaga. Punta na lang po ako sa opisina. Salamat po
Pormal kong mensahe sa kaniya. Hindi naman ito nag abalang mag reply sa message ko. Hindi naman siya obligado.
Nagpahinga ako sa tabi ni Mama ilang araw pa niya kailangang hintayin ang araw ng operation niya.
Yung kanang dibdib niya kasi ay mga bukol na. Lumalaki na din. Noon sabi madadaan sa Chemo, pero masyado na kaming matagal nag papa chemo pero parang nanghihina lang si Mama, nanlalagas lang ang buhok niya at sobrang namumutla.
Nakakaawa na siyang tignan. Kaya kahit hirap na hirap at pagod na pagod na ako. Hindi ko magawang sumuko para sa kaniya. Si Mama ang buhay ko. Kaya hanggat humihinga ako ay hindi ako basta basta susuko.
Pinagmasdan ko ang payapa niyang mukha. Kahit maputla at mainipis n ang buhok ay napakaganda pa din niya.
"Mahal na mahal kita, Mama" saad ko habang hinihipo ko ang ulo niya at marahang pinasadahan ng kamay ang buhok niya.
Unti-unti akong naluluha habang pinagmamasdan siya. Kaya nmn napagdesisyonan kong lumabas muna ng silid para makakuha ng hangin sa labas.
******
Disclaimer: Hindi ako ganung kasigurado sa sakit na nararanasan niya. Bigla na lang siyang nag cross sa isip ko. So, correct me if mali ang mga sinabi ko tungkol dun o kung paano siya gamutin. Okiee?
Thankyouuu
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...