Chapter 3

67 4 0
                                    

"Look, what you did!" saad ng isang aroganteng lalaki sa harap ko. Eh siya naman ang may kasalanan kung bakit siya natapunan ng juice.

"Basta basta ka lang naman pong sumulpot sa harap ko. Hindi ko na kasalanan yun" saad ko sa kaniya.

"Did you know, how much this suit is?" saad niya sa akin at inirapan ko lang siya at akmang tatalikuran. Aalis na lang ako dahil mukhang wala na akong pag-asang makapag apply ng trabaho. Kung hindi ba naman pasulpot sulpot tong lalaki na to edi sana nasa loob na ako.

"You better not tried to role your eyes on me--" saad niya sa akin habang hinila ang kamay ko. Tapos nun ay unti unti siyang lumapit sa akin at bumulong sa tenga ko. Napaatras ako pero pinigilan niya ako.

"You will pay for this!" saad nito at tsaka ako binitawan. Patay ka Sunshine, pero hindi ako natatakot sa kaniya ako lang naman si Sunshine este Shine Dela Vega di niya ako basta basta mapapatumba.

Pag katapos nun ay inabutan siya ng tissue ng isang babae sa gilid niya tsaka pinunasan ang suit na suot niya pag katapos nun ay tinapik niya ang balikat ko kasama ang tissue niya.

Tsaka siya deretsong umalis.

"Aba teka! Hoy" akmang sigaw ko dito. Maya maya ay bumalik na yung guard sa pwesto niya.

"Miss anong nangyari dito?" Tanong sa aking ng guard kasalanan ko bang lagi siyang wala.

"Wala kuya, wag mo na ako pansinin"  aalis na sana ako pero tinawagan niya ako.

"Miss, nag aapply kaba ng trabaho?" Tanong niya ulit sa akin.

"Oo sana kuya kaso tignan mo ang itsura ko. Kung hindi siya pahara hara at basta na lang sumulpot edi sana hindi siya natapunan tapos kuya ako pa pinagbingatangan. Naku pag nakita ko ulit yung lalaking yun masasapak ko yun" mahaba kong suhestyon sa kaniya.

"Ako na lang mag papasa ng resume mo sa itaas. Miss" nagliwanag ang mata ko sa sinabi niya. May tyansa pa din akong magkatrabaho.

"Talaga po ba? Pwede yun?"

"Opo, Miss. Pwede po. Akin na po" dali dali kong inabot ang folder ko at binigay ang resume ko.

"Ay kuya ingatan mo yan wag mong gugusutin. Salamat" sabi ko sa kaniya at sumaludo pa. Binigyan niya lang ako ng ngiti bago ako tuluyang umalis. Uuwi na lang muna siguro ako, sabihin ko na lang muna kay Mama na pinauwi na nila ako ng maaga.

Agad akong sumakay ng Jeep at naupo sa dulong bahagi. Pinagpagan ko pa din ang sarili ko dahil sa nabasang damit. Matutuyo din to. Yun lalaking yun talaga pag naalala ko naiirita ako.

"Manong, Para na dyan lang!!" Sigaw ko sa driver at huminto namn ito sa kanto.

Pagbabago ay sinisipa sipa ko pa yung batong nadaanan ko sa sobrang inis dahil nawalan ako ng trabaho at may nakabangga pa akong aroganteng lalaki.

"Kung pwede lang talagang balikan yung lalaking yun nasapak ko na. Pasalamat sya pogi siya. Kasi kung hindi wala sa oras na sapak ko talaga yun" napapadyak na nmn ako sa inis at muling napasabunot sa sarili.

"Oh, anak. Bakit andirito kana agad?" Bungad sakin ni mama na kasalukuyang nakaupo sa may terris ng bahay namin.

"Pinauwi ako ng maaga, Ma" pag sisinungaling ko sa kaniya.

"Bakit naman daw? Napagalitan ka ba?"

"Naku, Ma hindi ah. Ako pa ba eh magaling at masipag kaya tong anak mo" saad ko sa kaniya sabay yakap para naman kahit papaano ay mapagtakpan ko ang aking kasinungalingan.

*****

Embrace me, Sunshine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon