Nagising ako ng maaga at nahimbing pa ring natutulog si Anton sa kama. Bumaba na ako para maipaghanda siya ng almusal bago siya pumasok sa trabaho.
Nagluto ako ng bacon and egg pati narin fried rice. At maayos ko iyong inihain sa lamesa at sinimulan ko na siyang ipagtimpla ng kape. Maya maya pa ay naramadaman ko na anv mga yabag nya na pababa na nang hagdanan. Pag lingon ko sa gawi niya ay maayos na maayos na ang suot niya.
Lumapit ako sa kaniya at inayos ang necktie niya. At pagkatapos nun ay hawak kamay ko siyang hinila palapit sa lamesa. Pinagsalin ko siya ng pagkain sa plato niya at habang ginagawa ko iyon ay tinukso naman niya at panay ang sundot niya sa tagiliran ko kung saan malakas ang kiliti ko.
Nagtatawanan kami nang biglang may pumasok sa pintuan. Hindi man lamang sila kumatok, dere deretso lang sila hanggang sa makarating sa harap namin.
"Ito ba ang dahil Anton kung bakit ayaw mong pakasalan si Celine?" Natigilan ako sa narinig ko. Kasal? Teka! Anong kasal? Gusto ko siyang tanungin ngayon pero paano. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Mom, what are doing here?"
"What I'm doing here? Ofcourse I'm here to tell you to marry Celine"
"This is my choice. I don't want to marry her" natulala na lang ako sa mag-inang nag uusap sa harapan ko.
"Gusto mo o ayaw mo. Papakasalan mo si Celine. At ikaw na babae ka umalis kana at layuan ang anak ko"
"Mom! Can you please stop. Please. Tsaka na tayo mag usap tungkol dito. Not now" sabi niya at marahang hinihila ang ina palabas ng bahay niya.
Pag sara niya ng pinto ay agad na nanlambot ang tuhod ko. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin.
"Are you okay?" hindi ko alam pero agad akong napaiwas sa kaniya.
Nagtama ang paningin namin at makikita mo ang lungkot sa mga mata niya.
"Baby, let's talk. Please" mahinahon niyang sabi habang hinahawi ang buhok ko. At sa pagkakataong ito ay muli akong umiwas sa kaniya.
"Aakyat na muna ako" sabi ko sa kaniya at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Pag pasok ko sa kwarto hindi ko alam kung bakit bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Umiiyak lang ako at pinipigilan ang paglabas ng mga hikbi ko. Inayos ko ang mga gamit ko sa bag ko at nag ayos na din ng sarili.
Pag katapos ko ay bumaba na agad ako at nakita ko syang nakasandal sa table at tila hinihintay ako.
"Hey! Baby, please lets talk" hindi ko pero tumingin ako sa mga mata niya at pinagmasdan ang sinseridad sa kaniya. Tumango na lang ako bilang sagot sa aaniya.
"Mom wants me to marry Celine. Pero alam mo naman yun diba na mahal kita" napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang salitang 'mahal kita' hindi ko alam kung paano sasagutin ang sinabi niyang iyon sa akin.
"Uuwi na muna ako. Tsaka na lang tayo mag usap" sabi ko sa kaniya at ginawaran siya ng halik sa pisngi bago tuluyang nag lakad palabas ng bahay niya.
Napahawak ako sa dibdib ko nang hindi ko na kayanin ang pag iyak. Agad akong sumakay at nag pahatid sa bahay ko para magpahinga.
*****

BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...