Third Person's Point of View
"Anton, halika kana lumabas ka na nang kwarto. Hinihintay ka nang anak mo sa hapag kainan" tawag nang isang babae kay Anton na siyang nanatili pa rin sa loob ng kwarto.
Lumabas si Anton mula doon at hinarap ang babae.
"Ano ba namang itsura mo yan. Ayusin mo nga iyang sarili mo para sa bata. Anak naman, alam kong masakit para sayo ang mawala ang babaeng mahal na mahal mo. Pero anak, bago ka niya iniwan ay nag iwan muna siya ng kapalit niya. Ashley is still here. Son, focused on her. Please. Okay? Hihintayin ka namin sa baba" ani ni Irene at deretsong bumaba na papunta sa kusina.
Muling pumasok si Anton sa loob nang kwarto at agad na nagderetso sa banyo upang tignan ang sarili sa salamin.
Agad na tumulo ang mga luha niya nang tila may naririnig siyang kakaiba.
"I missed your voice. I missed you a lot" pag kasabi niya nun ay agad na naghilamos at nag shave nang kaniyang balbas at bigote. Inayos niya rin ang kaniyang magulong buhok at nag palit nang maayos na damit.
Tsaka siya bumaba at sinabayan kumain ang kaniyang anak.
"Daddy ko, ang pogi mo po" sabi nang bata sa kaniya habang may malawak na ngiti sa labi.
"At ikaw, napaka ganda mo" sabi naman nito nang tapat niya ang taas nang bata tsaka niya ito pinisil sa pisngi.
"Aray ko, daddy" natawa naman si Anton sa naging reaksyon nang bata.
"Tama na yan, kumain na kayong dalawa" sabi ni Irene habang inaasikaso ang kaniyang anak at apo.
"Mom, after this meal. Can you change Ashley's clothes into something nice and white? We will be visiting her mom later" ani nito sa ina habang patuloy na hinahalo ang pagkain.
"Hmm, okay" tinignan niya ang ina at ngumiti din naman ito sa kaniya.
Matapos ang agahan ay agad na naghanda si Anton at Ashley para bisitahin ang ina sa libingan nito.
"Wow, you look so beautiful. Just like your Mom" sabi ni Anton nang makita ang anak.
Sumakay sila sa sasakyan. Agad na kinabit ni Anton ang seatbelt sa anak na tahimik lang nakaupo sa passenger seat.
"Daddy ko, makikita ko na po ba si Mama ko" inosenteng tanong nang bata sa kaniya. Marahan lamang siya tumango at tsaka tuluyang sinagot ang tanong nang bata sa kaniya.
"Oo, anak. Bibisitahin natin siya. Kakamustahin at kakausapin"
"Yehey, matagal na po kasi hindi umuuwi si Mama. Saan po ba siya nagpunta?" inosenteng tanong nang bata sa Ama. Ngumiti lang ito at tsaka sumagot.
"Paglaki mo, maiintihan mo din ang lahat. Sa ngayon si Mama mo ay isang angel na babantayan ka palagi." Sabi nito sa anak tsaka marahang ipinarada ang sasakyan pag kababa ay tahimik lang silang nag lalakad.
"Ashley, hold this" sabi nang ama habang hawak ang mga bulaklak. Hawak kamay silang nag lakad papalapit sa puntod ni Sunshine.
In loving memory of our dearly beloved...
Sunshine Dela Vega
March 26, 1990 - July 20**Your memories remain in our hearts forever.
"We missed you so much. My Sunshine" saad ni Anton habang pinupunasan nang kaniyang kamay ang lapida sa kaniyang harapan."Anak, bigay mo na yung flowers kay Mama" sabi ni Anton sa batang nakatayo sa gilid niya.
"Asan po siya?" nanaig parin ang kainosentehan sa mukha ni Ashley habang tumitingin sa paligid
"Hindi natin siya makikita, kasi Angel na natin siya. Lagay mo na dito yang flowers" tumango na lang ang bata sa kaniya habang pilit na inuunawa kung ano ba ang nangyayari. Sinunod na lang niya ang Ama at ibinaba ang basket na puno ng bulaklak sa tabi nang lapida.
"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka namin nang anak natin. Miss na miss kana namin. Be our angel. Okay" muling saad nito habang pinupunasan muli ang lapida at kasabay nun ay ang muling pagtulo nang mga luha niya.
*The End*
*****
BINABASA MO ANG
Embrace me, Sunshine
RomanceWARNING: RATED 18 READ AT YOUR OWN RISK! ****** Sunshine Dela Vega is a broken hearted girl. She hates every man who loves to hurt every woman na dadaan sa mga palad niya. Ayaw niya sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ang puso ng...